Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrilo Cloe Barreto jaclyn Jose Tahan

Quinn malawak ang imahinasyon sa pagsusulat

MA at PA
ni Rommel Placente

IN fairness, nagustuhan namin ang pelikulang Tahan, mula sa joint venture ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions nang mapanood namin ito sa private screening noong Sabado ng gabi.  

Bida rito sina Cloe Barreto at Jacklyn Jose na gumaganap sila bilang mag-ina. Mula ito sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr. at ang script ay isinulat ni Quinn Carrilo, na kasama rin sa pelikula. Gumaganap siya rito bilang best friend ni Cloe, na si Michelle.

Ang husay ng pagkakasulat ni Quinn, sa totoo. Tungkol ito sa isang batang babae (Cloe) na ginawang prostitute ng kanyang ina (Jaclyn) at hanggang sa magdalaga ay ganion na ang naging trabaho nito.

May twist sa movie na talagang na-shock kami. Ang lawak at mapaglaro ang imahinasyon ni Quinn, huh! Malaki ang potensiyal niya na makilala bilang isang mausay na script writer. 

Nagkaroon ng media conference after ng private screening ng pelikula. Natanong si Quinn kung saan siya humugot sa ginawa niyang script.

Sabi ni Quinn, “Hindi naman po siya like a personal story of mine. But I really got this from a person I knew. I will not drop name. Pero 11 years old siya, that specific, na ibinenta siya ng nanay niya sa isang lalaki for a very low price. Because her mom is an addict.”

Patuloy niya, “Kilalang-kilala ko siya (‘yung girl) personally. Even the lines ni Miss Jane (Jaclyn), na ‘yung mga nanghihingi ng pera, is another person. Pero I knew people like these, na ‘yung parents nila, ganoon makapag-demand sa mga anak nila.

“Just because you don’t know someone who’s like these, doesn’t mean na they don’t exist. So, gusto kong ipakita sa mga tao na there’s people like these. Kaya inilagay ko siya sa istorya na ito.”

Sobrang proud si Quinn sa kanyang sarili nang mapanood ang kabuuan ng pelikula.

Ang ganda! Talagang paulit-ulit ako kay Direk. ‘Direk, totoo ba? Ito na po ba ‘yung sinulat ko?

“Kasi iba ‘yung vision ko. Tapos noong ininterpret ni Direk, ang ganda!

“Sobrang nakaka-flatter talaga. I’m very, very grateful and happy na ito ‘yung nagawa naming pelikula.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …