Friday , November 15 2024
Buwaya Micka Bautista

Pagala-gala sa ilog
BUWAYA NAHULI SA BITAG NG ISDA

NAKAHINGA nang maluwag ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng Guiguinto, sa lalawigan ng Bulacan nang mahuli nitong Linggo ng hapon, 17 Hulyo, ang buwayang nakikita nilang gumagala sa isang ilog.

Nabitag ang buwaya dakong 2:00 pm kamakalawa sa ilog ng Sityo Tabon, Brgy. Malis, sa nabanggit na bayan na ayon sa mga residente ay matagal na nilang nakikita sa naturang barangay.

Nagdulot ito ng takot sa mga residente na nasa tabi ng ilog na kadalasan ay inaabot ng baha lalo kapag high tide.

Kapag tumataas ang tubig sa naturang barangay, nabatid na sakmal ng takot ang mga residente sa pangambang umahon sa kanilang mga bahay ang buwaya.

Dahil dito, bumuo ang lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Agay Cruz, ng Oplan Buwaya Rescue and Recovery Team sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Reources Office (MENRO), Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at sa  pakikiisa ng mga opisyal ng barangay.

Matapos mahuli ng mga residente, dinala ang buwaya sa Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang matiyak na ligtas ito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …