Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes Imee Marcos

Senator Imee kinainisan si Cristine — Ang galing niyang manggaya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilang isiwalat ni Sen Imee Marcos ang inis niya kay Cristine Reyes kahapon sa isinagawang media conference ng Maid in Malacanang na idinirehe ni Darryl Yap handog ng Viva Films.

Ayon kay Sen Imee naiinis siya kay Cristine dahil sa galing nitong manggaya. Si Cristine ang gaganap na Imee sa pelikula na pinagbibidahan din nina Cesar Montano, Ella Cruz, Diego Loyzaga, at Ruffa Gutierrez.

Naiinis nga ako rito kay Cristine ang galing manggaya. Super creapy na ‘yung dating dahil pati ‘yung pangit na paglalakad ko gayang-gaya niya,” pambubuking ni Sen Imee kay Cristine.

Ngiti lang naman ang itinugon ni Cristine sa tinuran ni Sen. Imee na kalapit lamang niya ng upuan sa isinagawang media conference. Nagpasalamat din ito kay Sen Imee na nagpahiram pa ng damit na suot niya sa mediacon gayundin sa tiwala ng Viva at kay direk Darryl na ipinagkatiwala na magampanan ang karakter ng senadora.

Nagpahayag naman ng paghanga si Direk Darryl kay Cristine dahil sa galing nga nitong manggaya kay Sen Imee.

Super fan na talaga ako ni Cristine dahil sa galing niya sa ginawa naming pelikulang ito,” aniya.

Sinabi pa ni Darryl kuhang-kuha lahat ni Cristine ang mga nuances ni Sen Imee.

Sa kabilang banda, marami ang tiyak na naiintriga at nasasabik dahil malapit nang mapanood ang most controversial film ng 2022. 

Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas, alamin ang bersiyon ng kuwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan. 

Mapapanood na ang Maid In Malacanang sa lahat ng sinehan simula sa August 3, nationwide. 

Ang Maid in Malacanang ay isang Family Drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution. Tuklasin ang bersiyon ng world event na ito base sa eyewitness account ng isang “reliable source.”

Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …