Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rank 2 Most Wanted sa CALABARZON KASONG RAPE, ACTS OF LASCIVIOUSNESS AT CHILD ABUSE TIMBOG Boy Palatino

Rank 2 Most Wanted sa CALABARZON
KASONG RAPE, ACTS OF LASCIVIOUSNESS AT CHILD ABUSE TIMBOG!

Arestado ang 40-anyos na suspek na kinilalang si Ronald Armillo y Dollente isang laborer, residente ng Brgy. Bibincahan, Sorsogon City, Sorsogon at tinaguriang Rank 2 most wanted ng CALABARZON dahil sa kasong panggagahasa, pang-aabuso, at acts of lasciviousness.

Ayon sa ulat ni PCOL GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director, Batangas PPO, kay PBGEN ANTONIO C YARRA, Regional Director, PRO CALABARZON isinali ng mga operatiba ng Malvar Municipal Police Station kasama ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit PRO 5, Provincial Intelligence Team Sorsogon , Regional Intelligence Unit 4A, at Provincial Intelligence Team-BPPO ang warrant of arrest na may kasong Rape, Rape by Sexual Assault, Acts of Lasciviousness at RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) dakong alas 10:08 ng umaga ng Hulyo 11, 2022 sa kanyang kasalukuyang tirahan sa nabanggit na lugar.

Nangyari ang mga nangyari noong Disyembre 22, 23, 26 27, at 29, taong 2020 at Enero 2, 4, 5, at 28 taong 2021 kung saan ang biktima ay 10-taong gulang na Grade 5 student sa kanilang tahanan sa Brgy. San Andres, Malvar, Batangas. Samantala, walang piyansang inirekomenda ang hukom para sa kasong Rape, habang nasa P200,000.00 sa kasong Rape by Sexual Assault, P180,000.00 para sa Acts of Lasciviousness at P80,000.00 para sa kasong paglabag sa RA 7610.

Nakapiit na sa Malvar MPS ang suspek at nakatakdang iharap sa husgado.

“Ano ang mahalagang impormasyon na makakatulong sa uri ng pamunuan, agad po kayong makipagtulungan sa inyong mga pulis. mga taong ito.” ani ni RD PBGen Yarra. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …