MAGLULUNSAD ang budget carrier Cebu Pacific (CEB) ng karagdagang flight frequency sa Iloilo at Tacloban na magmumula sa kanilang Cebu hub.
Sa isang advisory, sinabi ng CEB management, dalawang karagdagang lingguhang flights — Cebu-Iloilo at Cebu-Tacloban flights — ang magsisimula sa 5 Agosto sa taong ito, dahil sa patuloy na pag-angat ng hubs ng airline sa labas ng Metro Manila.
Para sa Cebu-Iloilo route, ang weekly flight frequency nito ay madaragdagan ng pitong beses o siyam na beses sa isang linggo. Ssa kasalukuyan ang airlines ay mayroong dalawang beses na flight tuwing Biyernes at Linggo.
Makakapamili rin ang taga-Cebu at mga Ilonggo na pumunta sa pagitan ng dalawang destinasyon para sa weekend trips o mga pamilyang balak magbakasyon.
Ang Cebu-Tacloban route ay madaragdagan ng 14 beses hanggang 16 beses sa isang linggo, at magiging dalawang beses sa isang araw tuwing Lunes at Biyernes.
“We are pleased to keep enabling everyJuan to easily fly across our widest domestic network as we continue to boost our network in the Visayas and Mindanao. We have seen consistent demand for these routes, and we hope to keep expanding our footprint as more people confidently fly again,” pahayag ni CEB Chief Commercial Officer Xander Lao.
“CEB remains committed to maintaining passenger travel confidence as it highlights its achievement of attaining a 7-star safety rating from airlineratings.com for its Covid-19 compliance,” saad sa kanilang advisory. (KARLA OROZCO)