Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benjamin Alves Faith da Silva Mikoy Morales Claire Castro

Benjamin Alves suki sa Magpakailanman

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA Sabado, July 9, isa na namang brand new episode ng Magpakailanman ang handog ng GMA sa publiko, ang Kutob Ng Sukob: The Andoy and Annabelle Delposo Story.

Pinangungunahan nina Benjamin Alves, Faith da Silva, Mikoy Morales, at Claire Castro, ang kuwento ng tunay na buhay ay tatalakay sa isang Filipinong pamahiin o tradisyon; ang tungkol sa sukob sa taon na pagpapakasal ng dalawang magkapatid sa kani-kanilang kasintahan.

Sa pamamagitan ng Facebook private messenger ay nakapanayam namin si Benjamin at ang una naming tanong sa kanya ay kung pang-ilang Magpakailanman o MPK guesting na niya ito? Gaano ka-challenging ang role niya sa episode sa Sabado?

“Pang six or eight ko na po yatang guesting sa ‘Magpakailanman.’

“About sa role, pretty challenging since first time ko naka- work sila Faith and Claire. Even Mikoy, na good friend ko na, first time to work with him on set.” 

Naniniwala ba si Benjamin sa kasabihan na masama ang sukob sa kasal sa magkapatid?

“Kind of. Thankfully, hindi pa siya nagiging problem sa family namin.” 

Ano ang pakiramdam niya tuwing kinukuha siya ng GMA para maging guest sa Magpakailanman?

“I love that GMA still considers me for heavy drama stories like this one sa MPK. And may pagka-thriller and horror aspect ito.

“Since one of my more successful episodes is the ‘Aswang’ with Andrea, I looked forward to this.” 

Ipinalabas noong November 2015 ang episode ng Magpakailanman na Ang Asawa Kong Aswang na mga bida sina Benjamin at Andrea Torres.

Masaya rin  si Benjamin na sa bagong episode ng Magpakailanman nila ay si Jorron Lee Monroy ang direktor na siya ring direktor sa Artikulo 247, ang teleserye nila sa GMA na nagtapos nitong Hunyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …