Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang

Angeli nag-level up ang acting

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS nagustuhan pa ni Direk Mac Alejandre ang ugali ni Angeli Khang tungo sa pagtatrabaho nito. Unang nagkatrabaho sina Direk Mac at Angeli sa Silip Sa Apoy ng Viva Films at ngayon ay sa Wag Mong Agawin Ang Akin na bukod kay Angeli pinagbibidahan din nina Jamilla Obispo, Felix Rocco, Aaron Villaflor at marami pang iba. Mapapanood ito sa July 31 sa Vivamax.

Ani Direk Mac sa isinagawang virtual mediacon, mas aware na ngayon si Angeli sa mga kakayahan niya. “Mas aware na ngayon si Angeli sa kanyang craft  at mas sensitive siya sa paligid niya, sa mga tao, sa ginagawa niya in connection sa craft niya kaya naman makikita mo ang pagganap niya patuloy na lumalawig.

“I cannot say  na malaki o maliit ang improvement (acting) ang mahalaga naisasapuso niya ang ginagawa niya. Mas masusi ang kanyang pag-aaral sa mga character na pino-portray niya at damang-dama ko ang sipag sa trabaho niya. 

“Sa tingin ko ‘yun ang mahalaga at hindi lang kay Angeli ko ‘yun nakita, lahat sa cast  lalo’t higit sa mga first time kong nakatrabaho tulad nina Jamilla, Felix, at Aaron at  iba pa.” ani direk Mac nang matanong kung gaano na kalaki ang in-improve ni Angeli sa acting.

Samantalaaminadosi Angeli na umaasa siyang mapapansin na ang galing niya sa pag-arte  ngayong unti-unting nagle-level-up ang mga ginagawa niyang pelikula o series. 

“Oo sana mapansin na talaga. Kais si direk Mac ‘yan at alam ko na hindi siya naglalabas ng movie o series na walang kuwento and I’m proud of our series, my first.”

Umaasa rin si Angeli na makagagawa rin siya sa ibang genra.

I hope so yes, and I really seen myself fashionate to my work and kung saan man ako dalhin ng career ko I’m happy.”

Ang Wag Mong Agawin Ang Akin ay ukol sa isang babaeng kinailangang ibenta ang sariling katawan sa murang edad para mabuhay at isang babaeng biktima ng pang-aabuso. Dalawang babaeng dumanas ng sakit sa kamay ng mga kalalakihan ang natutong makipaglaro. Dalawang babaeng pinagdugtong ng isang sikreto – pareho sila ng lalaking minamahal. Pero may isang mas malaking sikretong gugulat sa kanilang dalawa.

Inihahandog ng VIVA TV ang pinakaagaw pansin na adult drama. Sundan ang kuwento nina Jasmine, Christine, at Tom sa  mula sa direksyon ni Alejandre, ang respetadong direktor na siya ring naghatid ng Silip Sa Apoy na pasok sa Top 5 Vivamax original movies dahil sa million views.  

Ginaganapan ni Angeli si Jasmine, isang escort na may mataas na pangarap sa buhay.  Si Jamilla  naman ay si Christine, ang big boss ng Prima. Si Felix naman ay si Tom, marketing officer ng Prima at secret boyfriend ni Christine. 

Si Angeli ngayon ang itinuturing na “Queen” ng Vivamax dahil sa mga pelikula niyang Taya, Silip sa Apoy, atMahjong Nights na hindi nawawala sa Top 5 highest views. Si Jamilla naman ay nakilala sa 2011 erotic movie na X-Deal at kamakailan ay bumida sa sexy thriller series na Iskandalo. Si Felix, na nakakuha ng FAMAS award para sa pelikulang Angela Markado ay napanood natin sa hit Vivamax originals na Secrets at  Kaliwaan. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …