I-FLEX
ni Jun Nardo
KASAMANG nanood ni Sen. Robin Padilla si former Presidential Legal Counsel at spokesperson Salvador Panelo sa concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.
Eh sa mga nakaraang inihayag ni Robin, kukunin niyang legal counsel si Panelo. Nagkaroon din ng isyu noong eleksiyon sa pagkanta ng Sana’y Wala Nang Wakas ni Panelo noong kampanya.
Ngayon lang nagharap nang personal sina Sharon at Panelo matapos ang pangyayari sa kanila. All is well that ends well between Sharon at Panelo sa pagkikita nilang ‘yon matapos magpaliwanagan.
Pero ang isang magandang ibinalita ni Sharon, balak nilang gumawa ni Robin ng pelikula, huh!
Of course, iconic na ang movie na pinagtambalan nina Sharon at Robin na Maging Sino Ka Man, huh!