Sunday , December 22 2024
Joel Lamangan Vance Larena Angelica Cervantes Quinn Carillo Albie Casino

Direk Joel na-inspire sa mga baguhang aktor sa Biyak

𝙎𝙃𝙊𝙒𝘽𝙄𝙕 𝙆𝙊𝙉𝙀𝙆
𝙣𝙞 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙘𝙧𝙞𝙨 𝙑𝙖𝙡𝙙𝙚𝙯 𝙉𝙞𝙘𝙖𝙨𝙞𝙤

CUT at hindi malaswa ang ibig sabihin ng Biyak. Ito ang nilinaw ni Direk Joel Lamangan ukol sa kanyang bagong pelikula sa Vivamax, ang Biyak na pinagbibidahan nina Angelica Cervantes, Quinn Carillo, Vance Larena,at Albie Casino.

Kinailangang ipaliwanag ni Direk Joel ang ibig sabihin ng Biyak dahil malaswa agad ang naiisip ng netizens sa titulo ng kanyang bagong pelikula.

Ang ibig sabihin ng biyak, cut. Ano ang cut niya sa nangyaring project. Cut, komisyon ang ibig sabihin ng title. Hindi ‘yung malaswang biyak,” paglilinaw ni Lamangan. 

Ani Direk Joel maganda at exciting ang kuwento ng Biyak bukod sa gusto niyang makatrabaho ang mga baguhang sina Angelica, Quinn, at Vance.

 “Maganda kasi ang istorya. It’s about pang-aabuso ng isang stepfather na very common now ang nag-inspire sa akin at ‘yung mga baguhan na gaya nina Angelica, Vance at Quinn,” anang premyadong direktor.

“Excited din ako na makasama uli si Albie that’s why I wanted to do it,” giit pa ni Direk Joelna nakasama niya ang binata nang gawin ang Moonlight Butterfly.

Mapapanood ang Biyak sa July 1, 2022 sa Vivamax.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …