Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yukii Takahashi Top Class

Yukii Takahashi excited sa pagho-host

MA at PA
ni Rommel Placente

Ang P-Pop talent reality competition sa Pilipinas na Top Class: Rise to P-Pop Stardom, ay mapapanood na simula sa June 18, 2022 on Kumu (Daily streaming) and TV5 (every Saturday). 

Ang magsisilbing host ay ang itinanghal na Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Co-host niya ang aktor na si Albie Casino at ang sikat na Youtuber na si Yukii Takahashi.

Ang mahusay na singer na si KZ Tandingan ang vocal mentor, si Brian Puspos ang dance mentor, at si Shanti Dope naman ang rap mentor.

Ang Top Class: Rise to P-Pop Stardom ay product ng game-partnership between four Filipino entertainment powerhouses: Kumu, TV5, Cignal Entertainment and Cornerstone Entertainment.

Sa ginanap na mediacon noong Sunday sa Glorietta Activity Center, ipinakilala sa entertainment press ang 30 trainees na maglalaban-laban, na ilan dito ay sina  Lex Reyes, Dean Villareal, Justine Caastillon, Kim Huat Ng, Harvey Castro,Gilly Guzman, Kenzo Bautista, at Denver Dalman

Nakausap namin si Yukii. Ayon sa kanya, hindi niya first time na mag-host ng isang show sa telebisyon. Naging semi-regular siya rati sa Singgaling, at isa siya sa hosts ngayon ng LOL (Laugh Out Loud) 

Ayon pa sa dalaga, sobrang happy siya na naging bahagi siya ng nasabing P-Pop talent reality competition.

Sabi ni Yukii, “Sobrang naging masaya ako, lalo na noong nalaman ko noong una, na ‘yung mga makakasama ko sa show ay pang-international ‘yung talent nila.

“Sobrang happy din ako na nagkaroon ng sobrang quality na show dito sa Pilipinas and I’m gonna be part of it. So kailangan i-level up.”

Anong advice ang maibibigay niya sa mga trainee?

Ang maia-advice ko lang sa inyo, top 30, just keep pushing. Kahit na I know, nahihirapan na kayo. Tandaan ninyo, walang circumstance, walang success na hindi ka talaga muna maggo-go through sa mga mahihirap at malilit na butas.  Kasi, that’s what makes you stronger. That’s what  makes you as a person. And that’s what makes you have like a personal growth as a character.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …