Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabbi Garcia Khalil Ramos

Khalil at Gabbi inirerespeto ang privacy ng isa’t isa

MA at PA
ni Rommel Placente

BINALIKAN nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos kung paano sila nagsimula sa pagiging “stranger” hanggang sa umusbong ang kanilang pagmamahalan na limang taon na ngayon. Sino nga ba ang gumawa ng “first move” sa dalawa?

Actually siya ‘yung first move,” birong pahayag ni Khalil tungkol kay Gabbi.

Ayon kay Khalil, hindi pa agad sila nagka-developan ni Gabbi.

Ang pinakaunang beses kaming nagkakilala, sa isang party, 2015 pa. After niyon hindi pa naging kami, we didn’t start dating yet,” anang Kapuso actor.

Two years after pa… After two years ako naman ‘yung unang nag-hi sa kanya. And then doon na, tuloy-tuloy na,” kuwento naman ni Gabbi.

Parehas lang kami may first move… Hinintay niya ako ng two years,” muling biro ni Khalil.

Nagbahagi rin sina Gabbi at Khalil ng kanilang rules sa isa’t isa bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Ayon kay Gabbi, hindi nila hinihingi ang mga password ng isa’t isa.

We don’t get each other’s passwords. Like ‘yung on purpose talaga na nagbigay ako ng password, siguro kapag kunwari emergency like kailangan mag-post na walang signal si Khalil. Pero we eventually forget each other’s passwords,” sabi ni Gabbi.

Respect din sa privacy ng isa,” dagdag pa ng aktres.

Hindi rin daw pinag-aawayan nina Gabbi at Khalil ang pagkokomento ng nobyo sa post ng ibang babae, dahil hindi naman ito ginagawa ni Khalil lalo na’t hindi gaanong gumagamit ng social media ang aktor.

Si Khalil naman, hindi pinagbabawalan si Gabbi na magsuot ng revealing clothes.

There isn’t a rule, I guess. Ako sa kanya, I always tell her you just whatever makes you feel comfortable, go! Just rock your outfit kung ano mang feel mo, what makes you happy,” ani Khalil.

Magkatambal sa unang pagkakataon sina Gabbi at Khalil sa Kapuso series na Love You Stranger na umeere na ngayon sa GMA Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …