MA at PA
ni Rommel Placente
DAHIL Ngayon Kaya ang pamagat ng pelikula nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, tinanong namin ang aktres kung may isang bagay na nais niyang mangyari NGAYON, ano KAYA iyon?
“Sana mabigyan ng pagkakataon ‘yung ‘Ngayon Kaya’ na mapanood talaga ng maraming tao sa sinehan.
“Kasi I understand nga na we’re one of the first to do a theatrical release post-pandemic so, sobrang na-appreciate po namin ‘yung pagpunta n’yo ngayong hapon and we’re so grateful for your help na ma-spread ‘yung word na sa sinehan nga tayo ipalalabas,” pahayag pa ni Janine sa harap ng piling members ng media na dumalo sa press preview ng Ngayon Kaya sa SINE POP sa St. Mary Street sa Cubao, Quezon City noong June 1 ng hapon.
“And iyon, ‘yun talaga ‘yung wish ko ngayong buwan ng June, na I hope people come out and see it in cinemas,”ang nakangiting dagdag na sinabi pa ni Janine.
Ipalalabas sa mga sinehan ang Ngayon Kaya sa June 22.
Bukod kina Janine at Paulo, tampok din sina Donna Cariaga, Alwyn Uytingco, John James Uy, at Rio Locsin.
Magkatuwang na produksyon sa Ngayon Kaya ang T-Rex Entertainment at WASD Films kabilang si Paulo as producer, sa direksiyon ni Prime Cruz.