Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Sue Ramirez Zanjoe MarudoThe Broken Marriage Vow

BBC executive humanga sa galing nina Jodi, Sue, at Zanjoe sa TBMV

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI lang ang mga netizen ang nahuhumaling, nanggigigil, at nagagandaham sa Philippine adaptation ng The Broken Marriage Vow, mula sa orihinal na Doctor Foster, nina Jodi Sta Maria, Sue Ramirez, at Zanjoe Marudo. Maging ang BBC executive ay puring-puri ang seryeng ito. 

Ani André Renaud, SVP Format Sales for BBC Studios, “It’s been a pleasure to see the development of Drama Republic’s ‘Doctor Foster’ from Mike Bartlett’s brilliant original concept into the exciting story of ‘The Broken Marriage Vow’ that ABS-CBN Entertainment has brought to the Filipino audience.

This series has shown that we can watch a story become unique all over again when given a local setting and connecting into the lives of a new audience,” sambit pa ni Renaud kasabay ang pagpuri kay DirekConcepcion “Connie” Macatuno.

“’The Broken Marriage Vow’ has set out to do this from Deo Endrinal and director Connie Macatuno’s original vision and commitment to celebrating local artists, designers, and craftworkers, ensuring that Dr. Jill’s story reflects back to viewers their everyday while taking them away from it at the same time.

“I send my best wishes to the entire cast, effortlessly led by Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, and Sue Ramirez, the crew, the writers, producers, and the executives at ABS-CBN, Mr. Carlo Katigbak, Mrs. Cory Vidanes, Lauren Dyogi, and countless others for their support on this project from the beginning,” sambit pa ng executive.

Samantala, ipamumukha ni Jodi kay Sue ang paglalandi ni Zanjoe sa huling tatlong linggong Pagpapalabas ng TBMV.

Sukdulan na ang gigil ni Jill (Jodi) para maprotektahan ang kanyang dignidad at anak niyang si Gio (Zaijian Jaranilla) sa sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Iniisa-isa na ni Jill ang kanyang mga bagong diskarte upang mapalayo sa dati niyang asawang si David (Zanjoe) dahil hanggang ngayon, ginugulo pa rin nito ang buhay ng mag-ina. Nilalamon na kasi si David ng kanyang kahibangan kasi hindi niya matanggap na naisahan siya ni Jill at ng anak niyang si Gio ay kinasusuklaman siya. 

Habang patuloy ang panloloko at pagsisinunggaling ni David, desidido si Jill na ipamukha kay Lexy (Sue R), ang asawa ni David, na hindi pa rin ito nagbabago. Una nang inamin ni Jill kay Lexy na may nangyari sa kanila ni David at balak naman ngayon ni Jill na ilantad ang lahat ng baho ng dati niyang asawa. 

Mapa-praning naman si Lexy sa mga kalokohan ni David at unti-unting guguho ang kanyang mundo. Hindi rin papayag si David na magmukha siyang talunan kaya gagawin pa rin niya ang lahat upang kontrolin ang buhay nina Jill at Gio, at manipulahin ang relasyon niya kay Lexy. 

Samantala, sunod-sunod na ang mga dagok na haharapin ni Gio dahil patuloy siyang maiipit sa alitan ng kanyang mga magulang habang hindi pa siya nakakamove-on sa eskandalong kinasasangkutan niya sa eskuwelahan.

Makuha kaya ni Jill ang inaasam niyang tahimik na buhay kasama si Gio? Matauhan na kaya si Lexy sa mga kalokohan ni David?

Bukod sa iWantTFC at Viu, nasusubaybayan ang The Broken Marriage Vow mula Lunes hanggang Biyernes, 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …