Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres

Andrea sobrang pinaghandaan ang Stronger Together

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYA si Andrea Torres sa upcoming live performance niya para sa mga Kapuso abroad.

Bahagi kasi si Andrea ng live presentation na Stronger Together ng GMA Pinoy TV sa Japan.

Talagang ginawa ng GMA lahat para siksik, lalong-lalo na kasi ang dami nating isine-celebate sa buwan na ‘to–Independence Day, Rizal Day. Talagang ‘yung mga Pinoy, gusto namin ‘yung maramdaman talaga nila ‘yung pagkakaisa, kaya nga ‘Stronger Together,'” pahayag ni Andrea.

Mas lalo pa siyang naging excited dahil mismong June 12, Independence Day, nakatakda ang kanyang performance.

Talagang nagpa-record ako ng mga bagong song. Lahat ng magpapasaya sa mga Kapuso natin doon, gagawin ko,” lahad ng aktres.

Katatapos lang ni Andrea ng shooting ng kanyang Argentine-Filipino film na Pasional. Isang karangalan para sa kanya na maipakita sa mga banyaga ang ganda ng Pilipinas.

Sabi nga nila, first time nila nakakita ng ganoon ka blue na water. Namangha sila kasi siyempre ang ganda ng Palawan. Kahit po ako, first time ko roon. Hindi ko alam na mayroon tayong mga ganoon dito sa Pilipinas,”paggunita niya.

Ipinatikim din niya ang ilang Filipino dishes sa cast at crew ng pelikula.

Tinry nila lahat ang mga pagkain natin Kahit ‘yung mga isaw. Favorite nila siyempre ‘yung adobo. Talagang hit ‘yan sa lahat,” aniya.

Dahil sa magandang experience niya sa Pasional, na-inspire si Andrea na mag-enrol sa Spanish class.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …