Sunday , December 22 2024
Kim Atienza

Kim Atienza ligtas na sa Covid

MA at PA
ni Rommel Placente

INIMBITAHAN namin si  Kim Atienza noong May 29 sa aming birthday party. Pero hindi siya nakarating dahil sabi niya ay tinamaan siya ng COVID 19 at nagpapagaling.

Nakatutuwang malaman and thank God na naka-recover na siya sa nakamamatay na sakit. Sa kanyang Instagramaccount noong June 2 ay ibinalita niya na okey na nga ang kanyang kondisyon at ligtas na mula sa COVID 19.

Post ni Kuya Kim na may kalakip na video na nililip-sync niya ang kantang I Won’t Let Go by American country music group Rascal Flatts, “I am now 100 percent healed of covid. Thank you dear God for being there for me ALL the time.”

Ibinahagi  rin ng sikat na TV host ang isang Bible verse na Psalm 91:2 sa kanyang post, na nagsasabing  “I will say of the LORD, ‘He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust.’ Surely he will save you from the fowler’s snare and from the deadly pestilence.”

Maraming mga kaibigan ni Kuya Kim ang nag-comment sa kanyang post na nagsasabing happy sila na okey na at ligtas na ito sa COVID 19.

Sabi ni Geneva Cruz na unang nag-comment, “Yay! Im so happy! Ingat, friend! [emoji] @kuyakim_atienza!!!

Comment naman ni Ogie Alcasid, “Praise the Lord.”

“God is good!” sabi naman ni Arnold Clavio.

Ang comment naman ng celebrity mom na si Cheska Garcia ay, “Wonderful news! Good morning indeed!”

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …