Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
explosion Explode

Kambal na pagsabog yumanig sa Basilan

NIYANIG ng magkahiwalay na pagsabog ang parking area ng isang fastfood chain at isang bus terminal sa lungsod ng Isabela, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes ng hapon, 30 May.

Ayon kay P/Col. Jun Sittin, hepe ng Isabela CPS, naiulat ang unang pagsabog sa parking area ng isang fast food chain dakong 5:33 pm.

Agad nabatid na faulty wiring ang dahilan ng pagsabog sa parking area ngunit nang tinitingnan ng mga awtoridad ang palibot ng fast food chain, naiulat ang isa pang naganap na pagsabog sa D’ Biel Bus Terminal sa Brgy. La Piedad, sa naturang lungsod.

Napag-alamang nagmula ang pagsabog sa likurang bahagi ng bus na kadarating lang mula sa lungsod ng Maynila.

Sa paunang mga ulat, iniabot ng hindi kilalang suspek ang Improvised Explosive Device (IED) sa loob ng kahon patungong Isabela.

Ayon sa imbestigasyon, naglalaman ang kahon ng bomba na sumabog ilang minuto.

Dahil sa pagsabog, napinsala ang likurang bahagi ng bus. (K. OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …