SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MAGINF si Julia Montes ay sobra-sobrang nagdalamhati sa pagkawala ni Ms Susan. Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram ang mga sulat na galing sa tinatawag nilang ‘lola.’
Caption ni Julia, “One of the few handwritten letters from you…
“Hinding-hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advice sa buhay at sa buhay pag-ibig, mga magandang alala ninyo ni Sir FPJ na binabahagi ninyo bilang aral… mga kwento na hindi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan.
“Isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi n’yong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala n’yo ko at yung pagkakataong binigyan n’yo po ko ng CD na may kantang ‘Greatest Love of All’ sabi ninyo sakin ‘wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding-hindi ko po ‘yun makakalimutan…
“Wag po kayong mag-alala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po!”