Sunday , December 22 2024
KD Estrada Alexa Ilacad KDLex

KDLex nakagugulat ang lakas; Run To Me trending

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAGUGULAT, hindi inaasahan. Ito ang paglalarawan sa tandem nina Alexa Ilacad at KD Estrada. Mula kasi sa Bahay ni Kuya na roon nag-umpisa ang magandang pagsasama nila na nang lumabas at magkapareha at binigyang ng project, tinangkilik, nag-klik, at sinuportahan ng fans. At ngayon, isa sila sa loveteam na tinitilian at pinagkakaguluhan.

Kaya naman aminado si KD na hindi rin niya inaasahang magiging malakas ang tandem nila ni Alexa.

Naalala ko dati nakikita ko lang ‘yung mga kasama ko ngayon sa TV, I never really thought na magiging artista rin ako,” pag-amin ni KD sa isinagawang media conference pagkatapos ng celebrity screening ng kauna-unahang seryeng pinagbibidahan ng itinuturing na breakout loveteam, ang Run To Me na mapapanood sa Kumu sa Mayo 20 at ipalalabas sa iWantTFC sa Mayo 21.

Seeing myself in a huge screen together with Alexa parang grabe I made this far. I just started when I was 16, trainee ako. Like ngayon lang nag-break talaga and I waited four years and this is the time,” masayang pagbabahagi ni KD.

For me it will always be surreal and this is not my first time pero it’s not something I will ever get used to because I love this so much,” sambit naman ni Alexa. “And this means so much to me and it feels so different because I’m with KD. And I’m with them (fans),” dagdag pa ng dalaga na ikinakilig ng fans.

Ukol naman sa ano ang nararamdaman niya na ngayon ang tamang panahon para sumikat siya. “I’m so thankful talaga, it’s a never ending pasasalamat for me. ‘Yun nga like what I said, It’s so surreal for me and I feel like I always have to remind myself na like capable ka, ibinigay ‘yan sa iyo ngayon kasi ito iyong time mo. This is God’s plan for you and you waited so long for this. So, what are you gonna do? I’m gonna make the most of it,” sabi pa ni Alexa.

Trending ang Run To Me celebrity screening ng KDLex nang araw na iyon na ang istorya ay ukol kina Jewel at Wilson (Alexa at KD), dalawang streamer na sobrang magkaiba ang pamumuhay. Si Jewel ay isang mayaman at sikat na online streamer na kilalang-kilala sa kanyang talentong magmake-up habang kumakanta. Sa kabila nito, hindi pa rin masaya si Jewel dahil pakiramdam niya, naisasantabi siya ng kanyang inang si Emerald (Mickey Ferriols) at lahat ng pagmamahal at atensyon ay napupunta lang sa kapatid niyang si Diamond (Sean Tristan).

Si Wilson naman ay halos walang followers sa kanyang social media accounts pero patuloy na nagsusumikap at tumatanggap ng iba’t ibang raket para maipagamot ang nanay niyang si Mami Bebot (Nikki Valdez) na may sakit na leukemia. Sa kabila ng kanilang paghihirap, lagi nilang ipinararamdam na mahal nila ang isa’t isa.

Magku-krus ang landas nina Jewel at Wilson nang sagipin nito ang dalaga mula sa isang grupo ng kidnappers. Ngunit magagalit si Jewel kay Wilson dahil plinano niya lang pala ang pagdakip sa kanya para magpapansin sa nanay niya. 

Ang Run to Me ay idinirehe ni Dwein R. Baltazar at ipinrodyus ng ABS-CBN EntertainmentDreamscape Entertainment, iWantTFC, at Kumu. Pinagbibidahan din ito nina Malou Crisologo, CJ Navato, Karl Gabriel, Ivan Carapiet, Margaux Montana, Henz Villaraiz, Matty Juniosa, at Haira Palaguitto.

Mapapanood ang serye sa Kumu simula Mayo 20 at sa iWantTFC sa Mayo 21, 8:00 p.m. (Manila time), na may bagong episode na ipalalaabas kada Sabado. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …