SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SUPER happy at excited kapwa sina Albie Casiño at Yukii Takahashi bilang sila ang magiging co-host sa Top Class: The Rise To P-Pop Stardom, ang bago at pinakamalaking P-Pop talent search sa bansa ngayon.
SiAlbie ang matotoka sa TV broadcast samantalang si Yukii naman sa online digital broadcast at si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pinaka-main host sa lahat ng platforms.
“Super naging happy talaga ako nang malaman ko (magiging co-host) at kagaya ni Albie sobrang excited akong i-announce iyon pero siyempre ito na nga iyong grand reveal. Siyempre I’m so blessed and so happy to be part of ‘Top Class’ knowing na magagaling talaga ang mga mentor and super excited ako sa magiging journey ng mga trainee at kami po,” ani Yuki at sinabing na-shock talaga siya nang malamang magiging parte ng Top Class.
“Mga big artist sa industry ang makakasama ko kaya hindi ko maiwasang ‘di ma-shock. I felt overwhelm with everything talaga,” dagdag pa ni Yukii sa isinagawang zoom media conference kamakailan.
“I’m so excited talaga,” masayang pahayag naman ni Albie. “Alam mo naman sa industriya natin wala namang sure eh kaya kahit sinabi na sa akin at nag-sign ng contract, wala pa rin akong sinasabi (pagho-host).
“And now ito na, it’s real, I can’t believe it. Where here, this is it!,” masayang tugon naman ni Alvie.
Magaling na aktor si Albie at bago sa kanya ang pagho-host bagamat nagkaroon na siya ng program sa Kumu at nakapag-podcast na rin. Si Yukii naman ay isang certified social media superstar na million ang followers. Kilala siya bilang dancer, influencer, at Singtoker sa TV5’s Videoke Game Show na Sing Galing.
Aminado si Albie na takot siyang mag-host bagamat matagal na siyang sinasabihan dati pa nina Mr. M (Johnny Manahan) na i-try. “Dream come true ito eh. Lagi kasi sinasabi ng mga handler ko and si Mr. M na i-try kong mag-host kasi parang okey daw akong host. Pero I’m always scared kasi dyslexia ako eh. ‘Di ba ‘yung mga prompter?
“‘ASAP’ pa nga lang natataranta na ako eh. Pero through Kumu it helps a lot. They gave me my first hosting gig ‘yung ‘Kumusta Pilipinas’ and then sa loob ng Bahay ni Kuya, nag-host din ako noong naroon ako. And I realized na sa lahat naman ng bagay kapag binigyan mo ng oras and if you keep on trying you eventually get better eh. Pero hindi ko naman sinasabing sobrang galing ko nang host, pero I’m capable host now and eventually magiging good host,” tiwalang sabi ni Albie.
“It’s a dream come true talaga kasi napakalaking project nito. It’s the first time na magkaroon ako ng ganitong project, so I’m happy to be part na itataas natin ang bandera ng Pilipinas. And I’m excited sa lahat ng aspects, working with Catriona and working with Yukii,” sabi pa ni Albie.
Aminado naman si Albie na matagal na niyang gusto ring mag-host at unang na-test ang talento niya rito ay nang magkaroon siya ng Podcast. “Although medyo malayo ang podcast kasi it’s like an interview, basically nag-uusap lang tayo and there’s a camera on. Ang host kasi may agenda ka, spills, so podcast walang script, and with hosting naman it’s the perfect balance of being yourself injecting a little bit of your personality into the script, into the spill.
“It helps in a way (podcast) na hindi na ako nahiya makipag-usap sa tao, humarap sa camera. Kasi iba talaga ito sa pag-arte eh. When you’re acting nakakalimutan mo ngang may camera eh. Dito sa hosting for sure sasabihin sa iyo kung saang camera ka titingin,” sabi pa ng aktor.
Ukol naman sa pagiging dyslexia aminado si Albie na tiyak na mahihirapan siya lalo na sa pagbasa ng mga pangalan. Pero iginiit niyang hindi niya itinuturing na condition o isang handicapped ito. “I’m totally normal and I like to think I am, and feeling ko talaga normal ako. And I’ve told people na may ganito rin na this (dyslexia) is not a hindrance, think of it as a super power, we can do a lot of things. We need to focus lang,” giit pa ni Albie.
Si Yukii naman na superstar sa kanyang mga follower ay noong pandemic lang nagsimulang mag-Tiktok. “Simula noong bata ako dream ko nang maging artista pero I think that time hindi siya meant for me kasi ilang beses akong hindi kino-call back and noong nangyari ang pandemic out of nowhere nagulat na lang ako na nagte-trending ang video ko and that’s one post of Tiktok and it got million of views and then continous na iyon hanggang ma-discover ako ng Cornerstone. Natutupad ko na ang pangarap ko.
“I think my passion talaga is acting and I’m so happy nagagawa ko na siya ngayon once at a time. Ang sarap palang gawin ang isang bagay lalo na kung passionate kang gawin. Kahit gawin mo siyang 24/7 kahit napapagod ka at the back of your mind pero hindi mo siya mararamdaman,” sabi pa ni Yukii na mayroon nang ginagawang pelikula.
Samantala, first time lang nagkita/nagkasama sina Albie at Yukii nang humarap sila sa press at ipakilala sa Kumu na sila ang co-host ni Catriona pero may chemistry agad. “Kalog kasi kami pareho, pareho kami ng vibes. It’s a good match,” kapwa tugon nina Albie at Yuki.
Natatawa namang ibinuking ni Albie ang sarili na bilang preparasyon sa bagong trabaho niya ay nagpa-practice siya sa harap ng salamin. “And I will study more on P-Pop groups para malaman ko rin mga move nila,” ani Albie.
Nagtapos ang Top Class Admissions noong April 30, 2022 na libo-libong P-Pop aspirants mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsumite ng kanilang auditions sa Kumu.
Tanging edad 16-26, lalaki, lamang ang tinanggap para sa Top Class edition ngayon na may talent sa pagkanta, pagra-rap, at pagsasayaw. Tatlumpung aspirants din ang kinuha para maging parte ng first ever batch ng Top Classtrainees.
Ang Top Class ay highly-anticipated P-Pop reality show competition na nabuo sa pagtutulungan ng Kumu, Cignal Entertainment, TV5, at Cornerstone Entertainment. AngNU Laguna naman ang official venue partner nila, samantalang sina Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, Rap Phenom Shanti Dope ang mga Vocal at Rap Mentor, at ang Internationally renowned choreographer na si Brian Puspos ang Dance Mentor.
Kaya’t ‘wag kalimutang tumutok sa Hunyo sa pagsisimula ng Top Class na mapapanood sa Kumu, TV5, at select digital platforms.