Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayana Misola Janelle Tee

Ayanna at Janelle, ibang klaseng sarap ang ipatitikim sa Putahe

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAKAIBANG pampagana ang hatid ni Ayanna Misola sa pelikulang Putahe. Isa siyang babaeng inosente at wala pang muwang sa kamunduhan. Ngunit sa pagdating ng isang misteryosang babae, magbabago si Ayanna ay magigising ang kanyang pagkababae.

Palabas na ngayong May 13 ang nasabing pelikula sa Vivamax. Ito ay pinagbibidahan ni Ayanna na naging Vivamax movie sensation simula nang maipakilala sa “#Pornstar 2: Pangalawang Putok”.

Si Ayanna ay gumaganap rito bilang si Jenny, babaeng taga-isla na may malaking pangarap sa buhay. Magiging masugid na tagahanga siya ng isang dayo sa isla na magaling magluto. Mapapansin siya nito dahil sa kakasunod niya sa babaeng dayo.

Si Euka ay ginagampanan ng Miss Philippines Earth 2019 na si Janelle Tee. Pauunlakan niyang turuan si Jenny ng pagluluto. Ngunit higit pa roon, siya ang magpapatikim kay Jenny ng unang karanasan sa sex.

Ito ang leksiyon na hinding-hindi maliliimutan ng dalaga. Simula noon, hindi na mapigilan ni Jenny na sumiping sa kanyang nobyo na si Ephraim (Massimo Scofield).

Habang tuluyan nang nawawala ang kanyang pagka-inosente, tila mawawala naman ang interes ni Ephraim sa kanya. Kumbinsido na may kagagawan dito si Euka, may bagay na gagawin si Jenny na hindi aakalain ng iba na kaya niyang gawin.

Ayon kay Ayanna, kaabang-abang ang love niya rito kay Janelle. “Mas dapat abangan po iyong love scene ko kay Janelle, kasi mas mahaba iyong ginawa namin doon, kaysa yung ginawa namin ni Massimo,” wika ni Ayanna.

“Ito ang first out of the box na role ko. Inisip ko na lang na mahal na mahal ko si Ayanna sa aming love scene,” sambit naman ni Janelle. Aniya pa, “But more na kinakabahan ako kung nabigyan ko ba ng hustisya si Euka! Kasi, kaya ho ako naka-pink ngayon, dahil babae pa rin po ako! Iba sa pelikula!”

Mula kay direk Roman Perez, Jr., ang Putahe ay isa na namang pelikula na hihilera sa kanyang mga blockbuster sexy titles sa Vivamax, tulad ng Taya, The Housemaid, House Tour, Siklo, Hugas, at Iskandalo.

Bukod kina Ayanna at Janelle, tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, Ronnie Lazaro, Shirley Fuentes, at iba pa.

Panoorin ang Putahe sa Vivamax. Humanda sa maiinit at maseselang eksena. Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Starting at 99 pesos, pwede ka nang mag-VIVAMAX PLUS. Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaari kang makanood ng digitally restored classics, concerts at advance screenings. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …