AYON kay Xian Lim, hindi naging madali para sa kanya ang paghahanda para sa kauna-unahan niyang teleserye sa GMA 7, ang False Positive, na gumaganap siya bilang isang lalaking nabuntis dahil sa isang sumpa.
Ayon kay Xian, inatake siya nang matinding nerbiyos noong unang sumalang sa lock-in taping dahil ayaw niyang magkamali at mapahiya sa buong produksyon.
Sabi ni Xian, “To the point na stressed na stressed na ako dahil I don’t wanna let anyone down. But I’m so grateful sa network, sa GMA Network, sa buong Kapuso family that I don’t wanna let them down.
“And I remember gumigising talaga ako nang maaga para lang magtanong, para lang hindi… para lang I don’t wanna cause any delays, I don’t wanna cause any aberya, kumbaga.
“There is that pressure, definitely. Pero tinanggap ko na, na mahirap at gagawin ko lang at gagawin ko ang best ko hangga’t sa ma-good take ni direk Irene (Villamor),” anang binata.
Kuwento ng aktor, may ilang foreign movies siyang pinanood tungkol sa mga lalaking nabubuntis.
“I was watching, pinanood ko ‘yung katulad ng film ni Arnold Schwarzenegger (‘Junior,’ na ipinalabas noong 1994).
“Maraming ibinigay na films si direk para pag-aralan ko, like a peg or a benchmark for the character. Marami.
“And I was looking through videos on YouTube about pregnancy and ‘yung mga sintomas ng mga pregnant women. So, yes, marami ring research na ginawa,” aniya pa.
Hindi naman nagdalawang-isip ang aktor nang tanggapin niya ang False Positive.
“Unang tawag pa lang po nila, it’s a yes kaagad,” sambit niya.
Samantala, nang tanungin naman si Xian kung sa totoong buhay ba ay handa na siyang maging tatay, ang sagot niya,“Honestly hindi pa po ako ready. Because spiritually, I think I need a proper mindset for it.”
Ayun, kaya naman pala kahit nasa right age na sina Xian at Kim Chiu para magpakasal ay hindi pa handa ang aktor.