Sunday , December 22 2024
Sara Duterte vote

Sara nagpasalamat sa mga tumulong sa kampanya

NAGPASALAMAT si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga tumulong sa kanyang kampanya para bise presidente pagkatapos bumoto kahapon.

Umaasa si Duterte na makaboto ang lahat sa isang mapayapang eleksiyon.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng tumulong simula noong January sa aming kampanya at pag-ikot sa ating bansa at I hope everyone will go out and vote today and we pray for an honest, orderly and peaceful elections,” ayon kay Sara.

“Manalo man tayo o matalo, we already prepared an online thanksgiving para po sa lahat ng mga tumulong and lahat ng gustong makipasalamat po sa safe na pag-conduct ng kampanya in the past 90 days.”

Aniya, babalik siya sa Maynila bukas at personal na magpapasalamat sa mga grupong tumulong sa kanya at sa sunod na linggo babalik naman sa Davao para sa gift giving.

“Tomorrow po magsisimula na ‘yung pasasalamat ko sa mga tumulong, so pupunta po akong Manila and we have scheduled per group na meeting, it’s basically me personally saying thank you sa kanila… it will start tomorrow, May 10 hanggang Friday May 13,” ayon sa mayora.

Pupunta rin si Sara headquarters nila sa Mandaluyong para pasalamatan ang mga support group na nagtratrabaho roon.

Aniya, manalo man o matalo nakatakda na ang gift giving sa Davao City.

“Mayroon tayong schedule na pasasalamat, actually gift giving for Davao City, and whether manalo or matalo naka-schedule na ‘yung gift giving natin sa depressed areas at less fortunate na constituents sa Davao City,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …