HUMIHINGI ng rematch si Saul ‘Canelo’ Alvarez kay Dmitry Bivol pagkaraang talunin siya nito sa naging bakbakan nila para sa WBA light heavyweight title nung nakaraang Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ang nasabing hamon ay ipinahayag niya sa naging post fight interview. “Of course I do. This doesn’t end like this.”
Inulit niya ang hamon sa Twitter at nagpost siya ng hamon. “We will fight again and we will win again.”
Hindi tinatanggap ni Canelo ang naging pagkatalo niya kay Bivol nung Linggo sa Las Vegas dahil naniniwala siya na lamang siya sa puntos nang magtaps ang laban.
Pero pinabulaanan ng tatlong hurado sa naging laban nila at ibinigay nila ang unamous decision kay Bivol. Pare-pareho ang iskor nila na 115-113 pabor sa Russian boxer para ipalasap kay Canelo ang ikalawang pagkatalo sa makulay niyang career. Ang una niyang pagkatalo ay sa kamay ni Floyd Mayweather Jr.
Inaaasahan naman ng mga fans ni Canelo mangyayariu ang Part 2 ng laban dahil ang kontrata nila sa unang laban ay naglalaman ng rematch clause.
Sa isa pang ipinost ni Canelo sa Spanish na isinalin sa English: “Boxing is like that. Sometimes you win and sometimes you lose, but always with your head held high.
“I stay with the great fight that we offered to the people. We will fight again and we will win again.”
Positibo naman ang naging tugon ni Bivol sa paghahamon ni Canelo. “A rematch? No problem. Let’s talk about a rematch,” sabi niya.
“I took this fight because I just wanted the opportunity and I appreciate the opportunity. I am ready for the rematch, I just want to make sure I win and am treated like a champion now.”
Dahil sa parehong aminado sa isang rematch ang dalawang fighters, excited ang promoter ni Bivol na si Andrey Ryabinskiy ay agad na nagpa-interbyu ito sa Sky Sports:
“I’d say the preparation process will take at least from four to five months.
“And the place for the fight is still to be decided, but most likely it will be in USA.”