Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo Angel Locsin Kiko Pangilinan

Kiko ‘manok’ ni Angel Locsin sa pagka-bise presidente

MATAPOS magpahayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo, opisyal na inihayag ng aktres na si Angel Locsin, si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang kanyang manok sa pagka-bise presidente.

Ginawa ni Locsin ang pag-endoso kay Pangilinan sa kanyang talumpati sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Dasmariñas, Cavite na dinaluhan ng mahigit 100,000 supporters.

“Sino’ng ating bise presidente?” tanong ni Angel sa mga dumalo, na sumagot naman ng “Kiko Pangilinan!”

“Magdilang anghel po sana kayong lahat,” tugon naman ni Angel, na itinaas din ang kamay ni Pangilinan bilang pagpapatibay ng kanyang suporta.

Nagpasalamat si Pangilinan kay Locsin sa kanyang pagsuporta, at sinabing “nawa’y magdilang anghel ka at pati ang mga mahal nating kababayang Caviteño dito sa Dasmariñas, Cavite.”

Bukod kay Locsin, nagpahayag ng suporta sa Baguio grand rally ang beteranang aktres na si Angel Aquino sa kandidatura ni Pangilinan bilang bise presidente.

Ilan lang ang dalawang “Angel” sa mga artistang nagpahayag ng suporta sa tambalang Leni-Kiko at nagbabahay-bahay para makahikayat pa ng mas maraming botante para sa tambalan.

Kabilang dito sina Nadine Lustre, Mylene Dizon, Melai Cantiveros, K Brosas, Janine Gutierrez, Maris Racal, Jake Ejercito at iba pa.

Nagpahayag rin ng suporta kay Pangilinan ang iba’t ibang grupo mula sa hanay ng manggagawa, magsasaka, engineers, abogado, at pati mga alagad ng simbahan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …