Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson Minguita Padilla

How to be you po?
PING, DRA. PADILLA MAY PAYO SA MGA KABATAANG PINANGHIHINAAN NG LOOB 

ANG MGA positibong bagay sa buhay, tulad ng tagumpay o kaligayahan, ay hindi madalas makuha nang agaran dahil ang lahat ay may puhunan na pagkabigo, sakripisyo, at pagsisikap na magpapatatag sa isang tao.

Ito ang mensahe nina presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson at senatorial aspirant Dra. Minguita Padilla para sa mga kabataang nakakaramdam ng panghihina ng loob o nawawalan na ng pag-asang magpatuloy sa pagkakamit ng kanilang mga pangarap sa buhay.

Ibinahagi nina Lacson at Dra. Padilla ang mga payong ito sa mga kabataan nang tanungin sila sa isang public forum na ginanap sa Catanduanes State University nang kanilang bisitahin ang bayan ng Virac sa lalawigan ng Catanduanes ngayong Biyernes, 29 Abril.

“How to be you po?” tanong ng isa sa mga kinatawan ng sektor ng kabataan kay Lacson na nakapansin sa kanyang katatagan sa kabila ng mga pagsubok at kailanman ay hindi siya nakitaan ng panghihina ng loob. 

Dito ay nagkuwento si Lacson ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay mula nang pumasok siya sa politika noong 2001, kung saan nakaranas siyang paulanan ng mga propaganda para subukang yurakan ang kanyang karakter at integridad bilang isang mahusay na hepe ng pambansang pulisya.

“‘Yung mga black propaganda na inabot ko, baka kung pangkaraniwang kababayan natin — hindi naman sa pangmamaliit, ano — baka bumigay na. Alam n’yo no\ng tumakbo ako noong 2001 ang ganda ng ginawa ko sa PNP (Philippine National Police), siniraan po ako nang siniraan,” paglalahad ni Lacson.

Aniya, basta’t walang ginagawang masama sa ibang tao, dapat magtiwala sa sarili ang mga kabataan at huwag sumuko sa kanilang mga problema. Ganito rin kasi ang isinaisip noon ni Lacson na kompiyansang lalabas din ang katotohanan sa likod ng mga naging paratang sa kanya. 

Inilahad din ni Lacson ang naging tagpo kung saan personal niyang kinausap si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para itanggi ang mga kabi-kabilang akusasyon na ibinabato sa kanya noong panahong nagsisimula pa lang siya sa Senado.

“Kasi pinagbintangan ako na naging money launderer. Ang sagot ko po roon — nagkausap pa kami ni dating Presidente Arroyo, privately — tinanong niya ako kung anong una mong legislative agenda? Sabi ko, e pinagbibintangan n’yo akong money launderer, ang una kong bill na ipa-file, Anti-Money Laundering Act,” lahad ni Lacson.

“Ganoon po, dapat iko-confront natin. As long as malinis po ang ating konsensiya, alam nating wala tayong ginawang masama, kailangan talaga i-confront natin ang problema. So, ganoon din ang aking maipapayo sa ating mga kabataan,” dagdag niya.

Para naman kay Dra. Padilla, batay sa kanyang karanasan bilang propesor ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong medisina sa University of the Philippines, napansin na niya ang pag-uugali ng kabataan ngayon na madaling sumuko.

Batid ni Dra. Padilla, iba ang hamon ng panahon ngayon kompara sa mga nakalipas na taon. Pero sinabihan niya ang mga kabataan na normal ang pagsubok at paghihirap sa daan patungo sa ating pangarap.

Ayon sa senatorial aspirant, kung mas malaki ang gustong makamit ay asahang mas maraming sagabal, paninira, at luha ang mararanasan ng isang tao.

Hindi rin aniya nakatutulong ang pagiging babad sa internet ng ilang mga kabataan na nag-aakalang magiging madali ang lahat.

“Ang buhay ay hindi instant. Ang problema sa virtual, sa internet, lahat instant. At akala ninyo, instant ang buhay, instant ang success—hindi po. Pinaghihirapan po ‘yan. Alam namin, nandito kami, kasi naghirap kami,” ani Dra. Padilla na aktibo sa pagsusulong ng kapakanan ng health workers at kalusugan ng publiko.

“Pati lider na iboboto ninyo ay mga lider (dapat) who will inspire. (‘Yung) ma-i-inspire kayo to dream for a better world. Hindi ‘yung leader na pagtatawanan kayo and will shoot down your dreams,” payo pa ni Dra. Padilla sa mga kabataan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …