Sunday , November 17 2024
harassed hold hand rape

Sa Cagayan <br> HEALTHCARE WORKER GINAHASA, PINASLANG

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 27-anyos respiratory therapist sa ilalim ng kama sa kanyang silid sa Brgy. Carig Sur, sa lungsod ng Tuguegarao, lalawigan ng Cagayan, nitong Lunes, 25 Abril.

Kinilala ng mga imbestigador ang biktimang si Ma. Jennifer Suzette Oñate, 27 anyos, tubong Gattaran, Cagayan, at nagtatrabaho sa Cagayan Valley Medical Center.

Ayon sa pulisya, nakabalot ng kumot ang katawan ni Oñate at inilagay sa karton nang makita ito sa kaniyang inuupahang silid sa Tumanguil St., sa nabanggit na barangay, dakong 5:00 pm kamakalawa.

Narekober din sa silid ang isang bag na naglalaman ng duguang mga damit ng biktima.

Nadakip sa bayan ng Gonzaga ang suspek na kinilalang si Vilfred Carodan, 31 anyos, kasera ng biktima, na umaming siya ang gumahasa at pumatay kay Oñate.

Ayon sa salaysay ng asawa ni Oñate na si Renz, hindi sumasagot ang biktima sa kanyang mga tawag sa telepono simula noong Sabado ng gabi, 23 Abril. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …