HARD TALK
ni Pilar Mateo
UMAALAGWA na nang todo ang mga alaga ni Mudrakels Jojo Veloso. Lalo at sa karamihan ng pelikula ng Vivamax eh, nagsasalimbayan na ang pag-arangkada ng mga ito. Mapa-babae. Mapa-lalaki.
Say nga ni Mudrakels, “Actually napaka-suwerte ko ngayong pandemic dahil sabay- sabay na sumikat ang mga alaga ko. Particularly ‘yung 3 A’s ko o Tres Alas ng VivaMax na sina AJ Raval, Angeli Khang, at Ayanna Misola. Dumating din sina Cara Gonzales at Jela Cuenca.
“Biglang balik-tanaw ako sa nangyari sa akin noong 90’s, 1994 to be exact. Noong makilala ko si Mr. Amado Tan at ipinagkatiwala niya sa aking mga alaga ‘yung mga film project niya.
“‘Yun ang pagbabalik ni Celso Ad Castillo o Celso Kid. Doon nagsimula ang karera ng dalawa kong DIYOSA sa panahon na ‘yun, sina Ana Capri ng ‘Virgin People’ at Via Veloso naman ng ’Isla.’
“Roon din nag-umpisa na mamayagpag ang career ni Anthony Cortes. Talagang malaking tulong ang Messiah ng Philippine Cinema sa kasikatan ng aking mga alaga noong panahon na ‘yun.
“Nitong 2021 ay naulit ang buong pangyayari. History repeats itself! Noong makilala ko ang Messiah ng Philippine Cinema sa makabagong panahon na si Direk Roman Perez Jr. Na naghahanap ng mga artista na magbibida sa pelikulang ‘Taya at ‘yun ang naging simula ng lahat.
“Doon na nag-umpisang makilala ang aking mga DIYOSA—AJ , Angeli, at Jela. At noong maghanap ng artista si Direk Roman para sa’ Siklo’ ay agad kong iprinisinta si Ayanna Misola na agad namang inaprubahan ni Direk.
“Sa katunayan si Ayanna na talaga ang gusto niyang gumanap na bida sa ‘Putahe’ from the very start at napansin din n’ya ang isa kong alagang lalaki na si Massimo Scofield at binigyan n’ya ng break at ginawang bida sa nabanggit na pelikula. Sa palagay ko magkasundo ang taste namin ni Direk Roman dahil halos lahat ng mga gagawin niyang projects, mga alaga ko ang naka-cast.“
Ito na nga ang Putahe ni Ayana kasama si Janelle Tee. Lengguwaheng lesbiyana ang genre ng pelikulang naipahayag ni Direk Roman sa makulay na simbolismo ng mga pagkaing nairekado pa sa pelikula.
Nag-enjoy si Direk sa pagiging fresh at raw ng kanyang mga artista sa pelikulang ang intensyon ay ang magpakita ng realidad sa mundong ating iniikutan.
Hindi na nakapagtataka na mabansagan na Cult Direktor si Direk Roman. Dahil na rin sa lumalagong fan base niya sa mga pelikulang ginagawa.
At hindi rin nagkakamali si Mudrakels Jojo sa nakikita niyang katauhan ni Direk Celso Ad kay Direk Roman.
Nakatrabaho naman pala ni Direk Roman ang Messiah ng Philippine Cinema, pati na si Peque Gallaga.
Mapapanood na sa Mayo 13, 2022 ang Putahe ni Direk Roman na hihilera sa kanyang mga blockbuster sexy titles sa Vivamax, tulad ng Taya, The Housemaid, House Tour, SIklo, Hugas, at Iskandalo.
Ang Putahe ay pagbibidahan ni Ayanna na naging Vivamax movie sensation simula nang maipakilala ito sa #Pornstar 2: Pangalawang Putok.
Si Ayanna ay gumaganap bilang si Jenny, babaeng taga-isla na may malaking pangarap sa buhay. Magiging masugid na tagahanga siya ng isang dayo sa isla na magaling magluto. Mapapansin din naman siya nito dahil sa kakasunod niya rito.
Si Euka ay ginagampanan ng Miss Philippines Earth 2019 na si Janelle. Pauunlakan niyang turuan si Jenny ng pagluluto. Ngunit higit pa roon, siya ang magpapatikim kay Jenny ng unang karanasan sa sex. Ito ang leksiyon na hinding-hindi maliliimutan ng dalaga.
Simula noon, hindi na mapigilan ni Jenny na sumiping sa kanyang nobyo na si Ephraim (Massimo Scofield). Habang tuluyan nang nawawala ang kanyang pagka-inosente, tila mawawala naman ang interes ni Ephraim sa kanya. Kumbinsido na may kagagawan dito si Euka, may bagay na gagawin si Jenny na hindi aakalain ng iba na kaya niyang gawin.
Kaya humanda sa maiinit at maseselang eksena.
Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Don’t miss this one.
Na-challenge si Direk kay Janelle na isang beauty queen sa kinailangang magampanan nito.
Ang challenge naman ng mga artista ay ang manatili sa isang isla para tapusin ang pelikula na walang koryente at tubig. Kaya tubig mula sa dagat ang ginagamit nila sa araw-araw.
May suwerte naman yata kay Mudrakels Jojo ang mga alagang nagsisimula sa letrang A ang ngalan. May padating!