Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

13 indibidwal timbog sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya

NASAKOTE ang 13 indibiduwal sa magkakasunod na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO hanggang Linggo ng madaling araw, 24 Abril.

Batay sa ulat ni Bulacan PPO Acting Provincial Director P/Col. Rommel Ochave, nadakip ang pitong drug suspects sa magkakahiwalay na buy bust operation ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng mga police stations ng Baliwag, Guiguinto, Bulakan, Calumpit, at Pandi.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Tandog, Robert Francisco, Normando Oabina, Manuel Regalado, Juanita Nolasco, at Revinzor Cabacan.

Samantala, dinampot din ang tatlo pang pinaghahanap ng batas sa serye ng manhunt operations na kinilalang sina Antonio Murphy, Noli Dignos, at Jose Rico Roxas ng Bulakan, Bulacan; habang apat ang naaktohan sa ilegal na pagsusugal ng cara y cruz.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang mga arresting units/stations ang mga akusado para sa tamang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …