Tuesday , November 19 2024

Ping isiniwalat kung paano nilabanan ang tukso ng katiwalian

Mahaba na ang listahan ng mga sitwasyong sumubok sa integridad ni Partido Reporma presidential candidate Ping Lacson pero kabilang sa mga hindi niya malilimutan ang ibinaba niyang kautusan na magpapabaril siya kung masasangkot sa iligal na aktibidad tulad ng ‘jueteng.’

Inilahad ni Lacson ang isang yugto sa kanyang karera bilang pulis nang bumisita siya sa Sta. Cruz, Laguna kamakailan kasama ng running mate niya na si Senate President Tito Sotto at kanilang mga senatorial candidate.

Ayon kay Lacson, bago siya naging hepe ng Philippine National Police ay naging provincial director din siya sa Laguna. At para patunayan ang prinsipyo niya na ‘leadership by example,’ naglabas siya ng direktiba sa kanyang mga tauhan na maaari siyang itali at barilin sa kanilang flagpole.

“Kinausap ko ‘yung aking mga tauhan—mga opisyal, mga sundalo, mga pulis. Sabi ko sa kanila, ganito, lahat tayo hindi pwedeng tumanggap galing sa jueteng. At kapag ako ang inyong provincial director ay nalaman ninyo na tumanggap sa jueteng, nandiyan ‘yung flagpole, itali niyo ako diyan, barilin niyo ako,” hamon ni Lacson.

“Paano ako ngayon matutukso pa para tumanggap sa jueteng? E kung barilin ako ng aking mga pulis, itali ako sa flagpole?” aniya.

Sinabi ni Lacson na umabot sa P1.8 milyon kada buwan ang inalok sa kanya ng mga jueteng lord kapalit ng kanyang pananahimik sa kanilang iligal na sugalan.

“Walang gagawin, just look the other way, huwag manghuli—‘yun lang. Alam niyo, kapag kayo ay nagkuwenta—ang ginagawa ko kasi, hindi ako nagkukuwenta, kasi doon kayo matutukso; P1.8-million, sabihin niyo nang P1-million isang buwan—buwan hindi taon. Kung maka-dalawang taon kayo rito, 24 months, ‘di ba? Aba, kung magkukuwenta kayo, medyo malaki-laki. Baka hindi kayo makatulog sa gabi,” ayon sa presidential candidate.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …