INAKUSAHAN ng isang konsehal sa Quezon City ang kongresista ng Ika-5 Distrito ng parehong lungsod ng panloloko sa 500 pamilya dahil peke umano ang programang “Pabahay at Palupa” nito.
Sa kanyang privilege speech nitong 14 Pebrero 2022 sa Sangguniang Panglunsod, ibinunyag ni Konsehal Allan Francisco na noong 2016 pa inalok at hinimok ng opisina ni Quezon City District Representative Alfred Vargas ang mahihirap at walang sariling bahay na mga residente ng Distrito 5 ng lungsod, ngunit umabot lang sa walang nangyari.
Ani Francisco, nagbayad ang bawat pamilya ng P10,000 hanggang P40,000 sa nag-alok at naghikayat sa kanila ng programa ni Vargas.
Sinaklolohan si Rep. Vargas ng kanyang kapatid na si Konsehal Patrick Vargas na nagsabing pamumulitika ang akusasyon ni Francisco dahil ngayon lamang inilabas sa publiko ang isyu laban sa kongresista.
Idiniin niyang mayroong mga dokumento ang kampo ni Vargas na magsasabing hindi sangkot ang kongresista sa panloloko sa 500 pamilya.
Tiniyak ni Francisco, hindi inimbento ang kanyang mga pahayag dahil nakabatay sa sumbong at reklamo ng mga residente na sinangkapan ng mga ebidensiya.
Mayroon din mga dokumentong galing sa Socialized Housing and Finance Corporation (SHFC) at ng Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod of Quezon City.
Wala raw mga dokumentong magpapatunay na totoo at legal ang proyektong pabahay at palupa, saad ng konsehal.
“Apparently, they were swindled. Defrauded! Ilang milyong piso po kaya ang nakolekta from more or less 500 familiesm,” ratsada ni Francisco.
“But as I listened to their grievances, I could safely conclude that these families lodged legitimate concerns. With the documents they have provided and trusted me, I would say that they are in dire need of my office’s intervention apart from legal remedies,” birada ni Francisco.
Sabi ni Francisco, sa mga nakuha niyang acknowledgement receipts, kitang-kita ang “signature of certain Teny C. Asmiralde, signing as officer-in-charge and community organizer of Vargas.
Sa liham ng SHFC noong 12 Enero ng taong kasalukuyan, ipinarating niya kay Francisco: “Based on our records, there is no loan application received by the branch with respect to any of the above mentioned projects. Having no such record, we cannot also give you any information as to the CMP-Ms (Community Program-Mobilizers) of these projects.”
Ayon naman sa Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod of Quezon City: “Based on available records on file, it would appear that there is no approved measure by the Quezon City Council relative to Build Homeowners Association, Vargas Village 9, Vargas Village 18 and Vargas Village 20 Homeowners’ Association.”
Idiniin ni Francisco: “I smell something fishy. Totoo po ba talaga itong sinasabing ‘Palupa at Pabahay’ ng iginagalang nating congressman? Ni walang plano, permit, accredited Mobilizer. Ito ay maliwanag pa sa sikat ng araw na ‘peke, scam o drawing lamang at gimik pampolitika.’ At ang mga kawawa nating kababayan ang nabiktima. Apparently, they were swindled. Defrauded! Ilang milyong piso po kaya ang nakolekta from more or less 500 families?”
Aniya, “no less than the congressman (Vargas) and program-in-charge Teny Asmiralde were present.”
Ang mga bakanteng loteng tinukoy ng programa ay matatagpuan sa Buenamar Subdivision, Barangay Novaliches Proper at Palmera Homes, Barangay Sta. Monica sa Distrito 5, Quezon City.
“Taon 2016 pa po ito, mga iginagalang kong mga kasama, o mahigit anim na taon nang sila ay magbayad. Inabot na nga po tayo ng pandemya, at sa kasamaang-palad, hanggang ngayon, wala pong nangyayari sa naturang programa at ang isa po, mayroon nang nakatayong gusali, pero hindi po para sa kanila,” paliwanag ni Francisco.
“Based on these, the Congressman and his office are part in this non-existent project. Sa tingin n’yo ba, may corruption? Hindi po ba niya alam ang tenet na “Public Office is a Public Trust? What happened here is the height of betrayal of public trust.”
Mr. Presiding Officer, from what I disclosed today, and considering the plight of these families who appeared to have been swindled and defrauded, it is my strong position that the disposition of the matter should not end here. Those involved should be held responsible and accountable for what they maliciously and wittingly did to these poor families. Truly, these poor families were taken advantage of. Kawawa na nga sila, mas lalo pa silang kinawawa. Hindi na kayo naawa?” paliwanag ni Francisco.