Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo ‘tinamaan’ kay Angeli

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PARA sa isa sa pambato ng Vivamax ngayon sa kanilang mga pelikula na si Paolo Gumabao, pinakamaganda sa hanay ng mga Vivamax stars ang kapareha niya sa Silip Sa Apoy na si Angeli Khang.

Naging mahalaga para kay Paolo na nakilala niyang mabuti si Angeli bago nila nagawa ang mga sinalangan nilang eksena sa pelikula. Na sobrang torrid ang lovescenes.

Para kay Paolo, “Maganda at nakatutulong talaga ‘yung nag-uusap muna kayo before doing the scenes. Ako, bago pa pumunta sa set, I sent her na messages. Para mas maging komportable kami with each other. Na ‘yun naman ang nangyari. And noong nasa set naman, I became protective of her.

“Alam ko  marami ang magkakaroon ng different reactions dahil nga sa trabaho ko. Sa inaarte ko. Lalo na sa ganitong genre. Even mga kaibigan kong lalaki may mga tanong na gaya rin ng natatanong sa akin. Kung hindi ba ako excuse the word, nalibugan while doing it. O may nag-react bang parte ng katawan ko sa eksena. 

“When you’re on the set, doing what is expected of you, from you  malabo mong maisip ‘yun. Basta ang alam ko, nandoon ako sa character ko but at the same time, alam ko na may limitasyon ‘yun.”

Bukod sa mga sunod-sunod ng napanood na kaseksihan ni Paolo sa mga proyekto niya, isang kumbaga eh  masasabing breather for him ay ang sasakyan naman niyang papel bilang isang sundalo sa Mamasapano.

Hindi kaila na si Paolo ang pumalit sa aktor na si JC de Vera (na sa kalaunan eh napabalitang natamaan ng virus) para sa nasabing papel.

Ibig lang sabihin niyan, tiwala ang Viva sa kapasidad ni Paolo bilang isang aktor dahil sa mabigat na papel na iniatang sa kanya.

Ngayon, nakahanay si Paolo sa listahan ng bagong sexiest filmdom.

Susunod na kayang maihanay naman siya sa mga de-kalibreng aktor sa mga susunod niya pang gagawin?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …