Saturday , November 16 2024

Laylayan sentro ng gobyerno ni Leni Robredo

021022 Hataw Frontpage

HATAW News Team

IPINANGAKO ni Vice President Leni Robredo na ang mga nasa laylayan ng lipunan ang magiging sentro ng kanyang pamahalaan sakaling siya ay palarin na maging susunod na Pangulo ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa grand rally sa Naga City noong Martes, 8 Pebrero, tiniyak ni Robredo na ang kanyang pamahalaan ay makikinig sa mga hinaing ng taong­bayan.

“Isang pamahalaang mag

mamadaling sumak­lo­lo ‘pag dumaing ka, makikipagpuyatan para mapaginhawa ka, lulusong sa baha para iahon ka,” ayon kay Robredo. “Susuotan natin ng tsinelas ang gobyerno at patatawirin sa mga pilapil papunta sa iyo. Sa ating pamamahala, laylayan ang magiging bagong sentro.”

Dagdag niya, sa isang tapat na pamumuno, magkakaroon ng maayos na budget para sa tamang pag-aalaga sa kalusugan at edukasyon. Magkaka­roon ng trabaho para sa lahat at tulong para sa maliit na mga negosyo.

“Ang unang hakbang sa pangarap nating angat buhay lahat ay ang pagpili ng gobyernong tapat,” sabi ni Robredo.

“Alam natin kung paanong maaabot ito — dahil mula pa noong mga panahon na abogado ako para sa mahihirap, hang­gang sa Kongreso, hang­gang ngayon bilang Pangalawang Pangulo, nakita ko ang naidudulot ng paglilingkod na nakaugat sa katapatan at nakasentro sa laylayan.”

At kahit siya pa ang nag-iisang babaeng kan­didato sa pagka-Pangulo sa darating na eleksiyon sa 9 Mayo, hindi natitinag si Robredo sa laban dahil alam niya na buo rin ang loob ng mga naniniwala sa kanyang kakayahan at nakikipagtulungan na ang marami sa kanya sa mga proyekto ng Office of the Vice President (OVP) para makatulong sa maraming nangangailangan.

“Hindi ako natatakot. Hindi ako kinakabahan, dahil nang tinawag ko kayong gisingin ang natutulog pang lakas, buong-buo ang naging tugon ninyo: Tumulong kayo sa nangangailangan, pinakain ang nagugutom, nagbigay-lingap sa mga nasa­lanta at may sakit, nakinig sa kuwento ng bawat Filipino na duma­raing at naghaha­nap ng kasangga sa kanilang mga suliranin,” sinabi ni Robredo.

Nag-ikot si Robredo kasama ang kanyang running mate na si Senador Kiko Pangilinan at kanilang mga kandi­dato pagka-senador sa iba’t ibang bayan ng Camarines Sur buong Martes, ang opisyal na simula ng kampanya para sa May 9 national elections.

Tubong Naga City si Robredo at dito rin niya nakilala ang kanyang naging asawa na si Jesse Robredo na naging mayor ng Naga. Namatay si Jesse Robredo nang bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano noong Agosto 2012. Noong panahon na iyon, siya ay miyembro ng Gabinete ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

Nang mayor pa si Jesse Robredo, naayos niya ang Naga City at naayos ang uri ng politika. Nawala ang korupsiyon at tunay na nagkaroon ng tinig ang mga tao sa pamamahala sa pama­magitan ng People’s Councils.

Ito ang gustong gawin ni Leni Robredo sa buong bansa kapag siya ay naging Pangulo.

Itinuloy ni Robredo ang pangangampanya sa Bicol, ang kanyang balu­warte, Miyerkoles, 9 Pebrero.

Pumunta siya sa Ca­ma­rines Norte at Sorso­gon.

Sa Daet, Camarines Norte, sinabi ni Robredo sa kanyang mga taga­suporta na ang darating na eleksiyon ay ang pagkakataon nilang palitan ang luma at bulok na uri ng politika.

“Ang hinihiling ko po sa inyo, magkaisa tayo. Sana po hindi maging dahilan ang politika para magkawatak-watak dahil ang isinusulong naman po natin ang klase ng pamamahala, isang klase ng pamamahala na matino at mahusay,” aniya.

Inihalintulad ni Robredo ang eleksiyon sa isang ligawan at pinaala­lahanan ang mga tao na huwag magpabudol sa mga manliligaw.

“‘Pag may mga man­liligaw kayo na nanganga­ko ng nangangako, huwag kaagad magpapabudol. Titingnan po natin paano kaya niya papanindigan ‘yung kanyang mga ipinapangako,” sabi ni Robredo sa kanyang mga tagasuporta sa Daet.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …