MAKATI CITY, METRO MANILA — Binigyan ng rekognisyon ng 17 local chief executives (LCEs) na bumubuo ng Metro Manila Council (MMC) ang inisyatiba ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III para sa pagbibigay-daan sa deployment ng aabot sa 6,000 contact tracer na sumuporta sa kapasidad ng pamahalaan upang matugunan at mapigilan ang pagkalat ng mga impeksiyon ng CoVid-19 sa National Capital Region (NCR) — ang tinukoy na epicenter ng pandemya ng coronavirus sa bansa.
Sa bisa ng Metropolitan Manila Development Authority Resolution No. 22-02, nagkaisang pinarangalan ng MMC sa pagbibigay ng plaque of appreciation para sa DoLE at kay Bello bunsod ng “unqualified and full support” sa pandemic response ng pamahalaan.
“Early detection of cases, through contact tracing, is a vital step in mitigating the spread of the disease. Through relentless contact tracing, the government was able to effectively identify potential carriers of the virus and their contacts and prevent the spread of the virus,” punto ni MMDA chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., na kamakailan lang ay nagbitiw sa pagiging hepe ng MMDA.
“We are extending our utmost gratitude and appreciation to DOLE Secretary Bello for his selfless and magnanimous action for the hiring of contact tracers under its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers or TUPAD program and their deployment to the metro’s LGUs (local government units),” dagdag nito habang personal na ipinagkaloob sa kalihim ang plake sa kanyang tanggapan sa DoLE Building sa Intramuros, Maynila.
Binigyang-pansin ng MMC ang malaking tulong na naipagkaloob ng DoLE sa contact tracing.
“These additional contact tracers were of proven and invaluable assistance to the Metro Manila local government units in the identification and detection of persons who were infected with or exposed to the Covid-19 virus in line with the implementation of the Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate strategy of the government,” binanggit ng council sa MMDA resolution na nilagdaan ni Abalos at ng 17 alkalde ng Kalakhang Maynila.
(TRACY CABRERA)