Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Sid Lucero

Angeli Khang nagkapasa-pasa dahil kay Sid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGBABALIK si Angeli Khang sa itinuturing niyang pinaka-challenging na pelikulang nagawa niya sa Viva Films, ang Silip Sa Apoy na idinirehe nj Mac Alejandre at tinatampukan din nina Jela Cuenca, Paolo Gumabao, Sid Lucero na napapanood na sa Vivamax.

Ito na po yata ang pinaka-challenging role ko,” pag-amin ni Angeli sa virtual media conference. “Grabe ito. Nagkapasa-pasa ako!”

Ginagampanan ni Angeli ang asawa ni Sid na isang lasenggero. Siya si Emma na pagod ng pakisamahan si Ben (Sid), dahil nagiging baloyente ito tuwing makakainom. Si Alfred si Paolo na magiging malapit kay Emma na magkakaroon ng sikretong relasyon.

Sinabi ni Angeli na masuwerte siya at masaya na nakatrabaho sina Sid at Paolo.

Sobrang inalalayan po nila ako. Hindi sila nag-advantage sa akin sa mga grabeng love scenes namin?” sambit ni Angeli.

“Maingat po sila and pinoprotektahan nila ako and I really appreciate that,” giit pa nito.

Sumilip at maakit sa mapusok at kapana-panabik na kuwento ng Silip sa Apoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …