MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA sa kanyang buhay ngayon si Nadine Lustre kaya naman wala itong time na bigyang oras ang mga taong patuloy na binabatikos ang lahat ng ginagwa sa kanyang buhay.
Kaysa naman pansinin ang kanyang mga basher ay mas gustong mag-focus ni Nadine sa pagtulong sa ating mga kababayan lalo na ‘yung mga taga-Siargao na siyang kinawiwilihang puntahan nito at nagpapasaya sa dalaga.
Isa si Nadine sa unang tumulong nang tamaan ng malakas na bagyo ang Siargao kasama ang boyfriend nitong si Christophe Bariou.
Minsan na ngang dinala ni Nadine ang kanyang buong pamilya sa Siargao para ipakita sa mga ito ang ganda ng nasabing Isla.
Sa ngayon ay balik Viva Entertainment at balik pelikula under Viva Films via Greed kasama sina Diego Loyzaga at Epy Quizon na idinirehe ni Yam Laranas.