PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De Guzman ng Cainta, Rizal, at International Master Cris Ramayrat, Jr., ng Pasig City sa pagtulak ng virtual Sen. Koko Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament na susulong sa 21 Enero 2022, 7:00 pm, ilalarga sa Lichess Platform.
Lalahok din sa prestihiyosong torneo sina Fide Master Nelson “Elo” Mariano III ng Bacoor City, Cavite; Woman Fide Master Allaney Jia Doroy ng Quezon City; at Woman Fide Master Cherry Ann Mejia ng Taguig City.
Sasali sina National Master Mario Mangubat ng Cebu City, National Master Glennen Artuz ng Naga City, at National Master Ronald Llavanes ng Angeles City, Pampanga.
Ang torneo ay may layuning panatilihing maging aktibo ang mga Filipino chess players sa panahon ng pandemya, ayon kay Sen. Aquilino Martin “Koko” de la Llana Pimentel III, dating top player ng Cagayan de Oro City chess team na magdiriwang ng kanyang ika-58 kaarawan sa 20 Enero.
Sinabi ni International Arbiter at National Master Elias Lao, Jr., ipatutupad ang time control format 5 minutes plus 3 seconds increment via 9 Rounds Swiss System sa 1-day Free Registration online tournament.
Kakabig ang magkakampeon ng P8,000 habang ang second placer ay magsusubi ng P4,000 at ang third placer ay mag-uuwi ng tig P3,000.
Pagkakalooban ng cash prize ang fourth hanggang eight places ng tig P1,000.