Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Micka Bautista photo 1 PATAY, 7 SUGATAN Vaulted water tank sumabog

Vaulted water tank sumabog
1 PATAY, 7 SUGATAN

 (ni MICKA BAUTISTA)

PATAY agadang isang pump operator, samantala isa ang namatay, pito ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang vaulted water tank sa Bagumbayan Warehouse Facility ng Bulakan Water District Company sa Brgy. Bagumbayan, bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng umaga, 8 Enero.

Sa ulat ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang namatay na biktimang si Ryan Mangio, pump operator; at mga sugatang sina Eduardo Carpio, tubero; Ricardo Sulit, pump operator, kapwa mga residente sa Brgy. Bambang, Bulakan; Milagros Tionloc at Jennifer Esteba, kapwa client account representatives; Joselito Esteban, checker; Jomar Esteban, driver; at isang alias Regine, helper, pawang mga residente sa Brgy. Bagumbayan, Bula­kan.

Batay sa imbestiga­syon, biglang sumabog ang Bagumbayan vaulted water habang nag-uusap ang mga biktima sa harap nito malapit sa Bulakan Water District Warehouse. 

Patuloy na inaalam ang halaga ng kabuuang pinsa­lang dulot ng pagsabog kabilang ang tatlong kabahayang tina­maan nito.

Kasalukuyang nag­sasa­gawa ng pagsisiyasat ang technical operation staff ng nasabing pasilidad upang matukoy ang sanhi ng pagsabog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …