Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Sa Nueva Ecija, Pampanga
2 TOP MWPs TIMBOG

 (ni MICKA BAUTISTA)

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang top most wanted persons sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga sa dalawang araw na magkahiwalay na manhunt operations nitong Biyernes hanggang Sabado, 7 hanggang 8 Enero.

Naglatag ang pinagsanib na mga elemento ng Mabalacat City Police Station (CPS) at 302nd MC RMFB-3 Polar Base ng manhunt operation sa Brgy. Dapdap, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga na nagresulta sa pagkakaaresto kay Arnold Cayanan, 47 anyos, top 5 most wanted person (MWP) ng Mabalacat CPS, residente sa nabanggit na baranggay.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Illegal Possession of Firearm and Ammunitions sa ilalim ng Criminal Case 2679-3014 na inilabas ni Judge Allene Torres-Peña, acting Presiding Judge ng Tarlac City RTC Branch 65.

Gayondin, nasukol din si Jayson Corpuz, top most wanted person ng Licab MPS, 37 anyos, residente sa Brgy. Poblacion Sur, bayan ng Licab, lalawigan ng Nueva Ecija, ng operating units ng nabanggit na himpilan ng pulisya katuwang ang 3rd Maneuver Platoon, 2nd PMFC, NEPPO sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. Poblacion Sur, Licab, Nueva Ecija sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 6174-G na inilabas ni Judge Leo Cecilio Bautista, acting Presiding Judge ng Guimba RTC Branch 32.

Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, hindi sila titigil sa kanilang kampanya upang masugpo ang lahat ng uri ng krimen kabilang ang pagpapaigting ng manhunt operation laban sa mga wanted persons sa rehiyon.

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …