Friday , November 15 2024

Deretso sa hoyo
4 PUGANTE ARESTADO SA ZAMBALES

SUNOD-SUNOD na nadampot ng pulisya sa lalawigan ng Zambales ang apat na pugante sa pinaigting na pagpapatu­pad ng batas sa lalawi­gan nitong Sabado, 8 Enero.

Sa pangunguna ng 2nd Provincial Mobile Force Company, nadakip kamakalawa sa bayan ng Castillejos, sa nabanggit na lalawigan, ang suspek na kinilalang si Vicente Pascua, 68 anyos, sa kasong Perjury, sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Presiding Judge Vicente Lamug ng Iba Municipal Trial Court.

Nauna rito, naaresto rin sa parehong bayan si Jennifer Agozar, 45 anyos, may kasong 17 bilang ng Estafa sa bisa ng Warrant of Arrest ni ipinalabas ni Judge Melani Fay Tadili ng Olongapo City RTC Branch 97.

Samantala sa bayan ng Candelaria, matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Presiding Judge Michael Real, ng Olongapo City RTC Branch 98, may petsang 6 Enero 2022, agad nahuli ang akusadong kinilalang si Ma. Lohwela Sebuja, 24 anyos para sa kasong Qualified Theft sa pangunguna ni P/Lt. Pablo Agabao.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Maribel Mariano -Beltran, makalipas ang isang taon pagtatago sa batas ay nadakip ng mga tauhan ng Botolan MPS si Arvin Josafat Acierto, 22 anyos sa kasong paglabag sa Sec. 5 (b) ng Republic Act 7610.

“Magpapatuloy ang pagsisikap ng Zambales PNP na maaresto at maikulong ang mga taong lumalabag sa batas at mapangalagaan ang kaligtasan ng komunidad higit sa ngayon na tayo ay nasa pagsubok pa rin ng pandemya,” pahayag ni P/Col. Fitz Macariola, Officer-In-Charge ng Zambales PPO.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …