Sunday , November 17 2024
Bulacan Police PNP

13 lumabag sa batas naihawla ng Bulacan PNP

DERETSO sa kulungan ang 13 kataong pawang lumabag sa batas sa pagpapatul0y ng operasyon ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes ng umaga, 5 Enero.

Sa ipinadalang ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta ang ikinasang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Miguel MPS at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa pagkakadakip kina Charlie Mar Aguinaldo ng Brgy. Salangan, San Miguel; Vincent Aisa, alyas Vince ng Brgy. Tanawan, Bustos; Benito Yabut at Richard Butuhan, kapwa mula sa Brgy. Bulihan, Plaridel; at  Rogelio Torno ng Brgy. Poblacion, San Miguel. 

Nakompiska mula sa mga suspek ang 13 pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Samantala, sa inilatag na anti-illegal gambling operation ng Marilao MPS, nasakote ang dalawang suspek na kinilalang sina Axl Bon Dela Cruz ng Brgy. Norhomes, Norzagaray; at Jacob Eden ng Bagong Barrio, Caloocan. 

Naaktohan ang dalawang suspek na nagsusugal ng cara y cruz at nasamsam mula sa kanila ang tatlong pirasong pisong barya na ginagamit sa pagsusugal at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Gayondin, nakorner ang suspek na kinilalang si Daniel De Dios ng Brgy. Makinabang, Baliuag sa kasong Robbery na naganap sa Brgy. San Roque, San Rafael.

Sa ulat, sinabing puwersahan pinasok ng suspek ang isang hardware store sa pamamagitan ng pagsira sa bubong na yero at nakakulimbat ng isang sakong cord wire.

Sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Marilao MPS, nasukol si Marietta Marapao, residente sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, na nabatid na humihingi ng P100,000 kapalit ng hindi niya pagsasampa ng kasong Physical Injury laban sa bktima.

Naaresto rin ang tatlong puganteng matagal nang pinaghahanap ng batas ang sa ikinasang manhunt operation ng tracker teams ng San Miguel, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).  

Nagsilbi ng e-warrant of arrest ang magkakasasanib na mga elemento ng Bocaue at Meycauayan MPS laban kay Noel Urbano, most wanted person (MWP) ng Bocaue para sa paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016. 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting units ang mga nadakip na suspek para sa naaangkop na disposisyon. (MICKA BAUTISTA).

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …