Friday , November 15 2024
Merlyn Germar

Mayoralty candidate tinamaan ng CoVid-19

HUMIHINGI ng pang-unawa sa mga nasasakupang kababayan ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan matap0s siyang magpositibo sa CoVid-19.

Sa kanyang mensahe sa Facebook, sinabi ni Merlyn Germar, asawa ni Norzagaray Mayor Fred Germar, na tumatakbo ngayong congressman para sa ika-anim na distrito ng lalawigan, siya ay positib0 sa CoVid-19.

Aniya sa post, nagsimula siyang maramdaman ang mga sintomas nang siya ay ginawin at magkasinat nitong Lunes, 3 Enero.

Dahil muling lumolobo ang bilang ng mga kaso ng CoVid-19, minabuti niyang sumailalim sa antigen test sa manugang na doktor at kinompirma ng RT-PCR test na siya nga ay positibo.

Dagdag ni Gng. Germar, sa ngayon ay sipon at ubo na lamang ang nararamdaman niya at wala nang lagnat, ngunit siya ay naka-isolate alinsunod sa panuntunan ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF).

Aniya, ayaw niyang maglihim sa mga kababayan at siya ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha nitong mga huling araw.

Binanggit din ni Gng. Germar na nanatili lamang siya sa kanilang bahay noong Bagong Taon at noong Linggo, 2 Enero, ay lagi siyang naka-facemask at may dalang alkohol nang siya ay lumabas.

Kasunod nito, pinag-iingat niya ang mga kababayan dahil muling dumarami ang may CoVid-19 at pinayohang kapag may naramdaman ay ay agad magsadya sa kanilang Rural Health Unit at magpakonsulta sa doctor upang malapatan ng lunas.

Ang babaeng Germar ay tumatakbo ngayon sa pagka-alkalde sa bayan ng Norzagaray kahalili ng asawang si Mayor Fred Germar na tumatakbong congressman sa ika-anim na distrito ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …