KASUNOD ng pinaigting na operasyong isinagawa ng mga awtoridad sa Region 3 upang mapigil ang pagkalat ng ilegal na mga paputok at pailaw mula 15 Disyembre hanggang 1 Enero 2022, naaresto ang walo katao sa paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices), samantala, apat ang dinakip para sa Alarms and Scandals, Indiscriminate Firing at paglabag sa R.A 10591 sa lalawigan ng Bulacan.
Naitala ang 15 firecracker-related injuries sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, at Pampanga na walang iniulat na fatal casualties.
Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, ang mga bilang na ito ay iniugnay sa mga serye ng inspeksiyon at pakikipag-dialogo na isinagawa ng PRO3 command group at staff katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng provincial/city police sa mga firecracker manufacturers at mga may-ari ng tindahan gayondin ang malawak na information drive and campaign na isinagawa ng PNP kasama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pangangailangang maisaayos o maiwasan ang paggamit ng mga paputok o pailaw kasama ang malawakang pagpapakalat ng mga firecracker zones na itinalaga ng local government units.
(MICKA BAUTISTA)