Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexa Ilacad Eian Rances

Eian ginamit nga lang ba si Alexa?

MA at PA
ni Rommel Placente

GALIT ang mga tagahanga ni Alexa Ilacad kay Eian Rances. Pagkatapos kasing in-announce ng host ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na si Toni Gonzaga ang pangalan ni Eian bilang evicted na sa loob ng bahay ni Kuya ay niyakap nito ang co-housemates niya except Alexa. 

Reaksiyon ng isang fan, manggagamit lang daw si Eian. Porke’t evicted na siya at hindi na makakasama sa PBB house ay dinededma na si Alexa.

May nagsabi pa na plastik ang binata. Kaplastikan lang daw pala ang ipinakikita niyang closeness nila ni Alexa.

Siguradong mas lalong magagalit ang mga fan ni Alexa dahil sa interview ni Eian after ng kanyang eviction. sinabi niya na sa tingin niya ay si Brenda Mage ang most deserving na tanghaling Big Winner sa magaganap na Big Night ng nasabing reality-show ng ABS-CBN.

Katwiran ni Eian, ”Para sa akin kung sakripisyo ‘yung pag-uusapan, na lahat ay ibinigay nang todo, lahat naman kami. Pero from the outside na dinala niya sa loob ng bahay, based sa sakripisyo na ‘yon, then it’s Brenda. Shinare sa amin ni Brenda ‘yung hirap na pinagdaanan niya sa labas na dinala niya hanggang loob. Ipinakita niya rin kung paano siya naghihirap sa labas. Alam ko gustong-gusto niya ito. Matagal niyang ipinagdasal ito.”

Talagang love ni Eian si Brenda, huh! At mukhang pakitang-tao  lang ang magandang ipinakikita kay Alexa noong magkasama pa sila sa PBB House. Sila kasi ang nila-loveteam doon. At para tanggapin ng fans, kailangan palang magkunwari lang si Eian na gusto niya si Alexa. 

Naaawa kami kay Alexa. Feeling din namin ay ginamit lang siya ni Eian. Pero para sa amin, siya ang gusto naming tanghaling Big Winner at hindi si Brenda na bet ni Eian. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …