Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quezon Convention Center

111 katao, nalason sa payout ng PULI at LK sa Quezon

SA HINDI pa mabatid na kadahilanan, mahigit 100 katao kabilang ang ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan ang naging biktima ng food poisoning habang ginaganap ang isang malaking pagtitipon sa Quezon Convention Center kahapon.

Hanggang 9:00 pm, napag- alamang umabot sa 111 ang bilang ng mga nalason na ini-admit sa Quezon Medical Center sa lunsod ng Lucena.

Ang mga biktima ay pawang kaanib ng Provincial Union of Leaders against Illegalities (PULI) at ng Luntiang Katipunero (LK) at nagmula pa sa mga bayan ng Infanta, Tagkawayan, Tiaong, Calauag,  Guinayangan, San Francisco, Dolores, Pagbilao, Lucban, Atimonan, Perez,  Panukulan, Candelaria, Mauban, Lopez, Sariaya, Paridel, Burdeos, Perez, Polillio,  Sariaya, Quezon, Quezon, lunsod ng Lucena at Tayabas.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nagaganap ang pay out ng honorarium sa 4,000 kasapi ng PULI at LK.

Makaraang mag-almusal ng pritong itlog, hot dog at kanin, bigla umanong nakaramdam ng pagkahilo hanggang nagsuka ang mga biktima.

Isinugod ng mga ambulansiya sa Quezon Medical Center ang mgma biktima, kung saan sila ay ini-admit sa mga kuwarto na noon ay pinaglagyan ng mga CoVid-19 patients matapos lapatan ng paunang lunas.

Sa kanyang Facebook account, si Governor Danilo Suarez ay humingi ng paumanhin at pang-unawa sa mga nalason at sinabing isolated cases ang mga nangyari.

Kaugnay nito, malakas ang mga alegasyon na ang LK at PULI ay ginagamit ng mga Suarez sa kanilang pamomolitika, bagay na kanila namang pinabubulaanan.

Samantala, inaalam ang katotohanan sa likod ng ulat na ang catering services na ginamit sa okasyon ay pag-aari umano ni Tina Talavera na siyang umaaktong hepe ng Provincial General Services Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …