Thursday , May 15 2025

Bagsik ng bagyong Odette dama sa Western Visayas 416,988 katao apektado

TINATAYANG hindi bababa sa 416,988 katao o 105,702 pamilya ang naging biktima ng panana­lasa ng bagyong Odette sa rehiyon ng Western Visayas, ayon sa datos na inilabas ng Western Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (Western Visayas RDRRMC).

Nabatid ng Western Visayas RDRRMC sa pamumuno ng Office of Civil Defense (OCD-6), 1,377 barangays sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental, kabilang ang mga highly urbanized na lungsod ng Iloilo at Bacolod ang apektado ng nagdaang bagyo.

Sa dinanas na panana­lasa ng bagyo sa Negros Occidental, tinatayang nasa 147,017 katao ang naapek­to­han ng malawakang pagbaha; 96,501 katao sa Capiz; 80,354 katao sa Iloilo; 46,554 katao sa Antique; 42,366 katao sa Aklan; at 4,196 katao sa Guimaras.

Ayon sa pinakahuling datos, hindi bababa sa 3,700 mga bahay sa Western Visayas ang napinsala ng bagyong Odette.

Kabilang dito ang 3,543 bahagyang napinsala at 160 tuluyang nasirang mga bahay.

Inaasahan ang pagtaas ng bilang sa pagdating ng ulat mula sa lalawigan ng Negros Occidental na hinihintay ng Western Visayas RDRRMC.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …