Dear Sis Fely Guy Ong,
Magandang araw po sa inyo.
Heto na naman ang banta ng isang bagong variant ng corona virus (CoVid-19) — ang Omicron daw.
Nagtataka po kami kung bakit bigla na lang ibinabalita ang mga ganyang bagay pero walang paliwanag kung paano kikilalanin ng mga tao.
Nakapag-aalala po na baka sa araw ng Pasko o pagpasok ng 2023 ay salubungin na naman tayo ng lockdown.
Bilang herbalist po, gusto ko sanang malaman kung ano ang inyong pananaw sa CoVid-19?
Sana po’y masagot ninyo ang tanong ko para maliwanagan ako at aking pamilya.
Maraming salamat po.
DIONY SALANGSANG
Pandacan, Maynila
Sa iyo Diony,
Bilang isang imbentor at herbalist, ang bawat bagong sakit na lumalabas sa mundo lalo yaong mga nagdudulot ng pandemya ay oportunidad para sa pagkatuto.
Pero, ang prinsipyo ng inyong herbalist ay laging back to basics. Kung ang ating immune system ay laging malakas, huwag mangamba sa pagdating ng mga salot.
Ang CoVid-19 paglaon ay ituturing na lamang na pangkaraniwan g respiratory disease gaya rin ng trangkaso, pneumonia, at tuberculosis na kinakailangan ng seryosong paggagamot kapag dumapo sa katawan ng isang tao.
At gaya ng lagi naming ipinaaalala ang hindi balanseng init at lamig sa loob ng katawan ng isang tao ay nagdudulot ng karamdaman.
Wala tayong ibang dapat gawin kundi palakasin ang resistensiya ng ating katawan at gayondin ng buong pamilya.
Huwag matakot, kundi mag-ingat. Hindi makatutulong ang takot, ang dapat ay maging mulat kung paano poprotektahan ang pamilya laban sa pandemya.
Ang inyong herbalist,
SIS FELY GUY ONG
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong