Thursday , May 15 2025

Notoryus na tulak nadakma sa Mabalacat, Pampanga P.7-M shabu nasamsam

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang notoryus na tulak ng ilegal na droga, nakompiskahan ng higit sa P.7-milyong hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 4 Disyembre.

Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Regional at Provincial Drug Enforcement Units katu­wang ang Mabalacat CPS sa Sitio Caldera, Madapdap Resettlement, Brgy. Dapdap, sa nabanggit na lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Alexis Morete, alyas Alex, 43 anyos, resi­dente sa nasabing lugar.

Narekober sa opera­syon ang siyam na pirasong selyadong plastic sachets na naglalaman ng hinihi­nalang shabu na may timbang na 105 gramo at DDB street value na P714,000; isang unit ng Samsung cell phone; isang itim na pouch; isang pira­song P1,000 bill na marked money; at pitong pirasong P1,000 boodle money.

Nahahaharap ang sus­pek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inihahandang isampa sa korte.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …