Tuesday , December 24 2024
Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO

KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at kaibigan, tatlong M ang iniwan niyang tatak sa akin.

Si Sir Jerry ay isang taong matatag, maasahan, at may paninindigan.

Sa rami ng pagsubok na kanyang sinuong sa buhay ay naging matatag siya kaya naging matagumpay na negosyante.

Lahat ng nakadaupang-palad niya’y makapagpapatunay na nagsilbi siyang anghel sa kanilang buhay dahil siya’y tunay na maaasahan sa oras ng pangangailangan.

Ngunit ang pinakatumatak sa akin ay ang paninidigan niya sa malayang pamamahayag.

Isang araw noong nakaraang taon ay nakatanggap ako ng text message kay Sir Jerry na screenshot ng mensahe sa kanya ng isang taong gusto siyang makausap.

Hindi siya nagbigay ng detalye hinggil sa isyu pero pinapupunta niya ako ora mismo sa opisina ng HATAWpara mag-usap kami.

Malayo ang lugar na pinagmulan ko at umabot ng dalawang oras bago ako nakarating sa tanggapan ng aming pahayagan.

Habang nasa biyahe ay wala akong maisip na matinding dahilan o atraso para ipatawag niya sa unang pagkakataon mula nang naging reporter ako ng Hataw.

Pagdating ko sa opisina namin, sinalubong niya ako ng ngiti at pinaupo sa kanyang harapan.

Ipinaliwanag niya na ang taong nagpadala sa kanya ng isang mensahe ay nais magtakda ng meeting sa kanya kaugnay sa running stories na aking isinusulat kaugnay sa mga ano­malya sa isang government owned and controlled corporation (GOCC).

Sugo pala ng ama ng isa sa mga binatikos ko sa serye ang nais siyang makaharap.

“Mayaman itong si B dahil bagman siya ni N na tatay ni K. Gusto raw makipag­kaibigan sa atin,” sabi ni Sir Jerry.

Sa mundo ng media, kapag sinabing gustong ‘makipag­kaibigan’ ng binanatan , ang ibig sabihin ay gustong makipag-areglo para itigil ang pagbatikos sa kanya.

“Sabi ko sa kanya (B), kakausapin muna kita. Ayaw kong humarap sa kanya na hindi ka muna nakausap at gusto ko tayong dalawa ang haharap, kung gusto mo,” dagdag niya.

Sa kanyang pananalita ay hindi ko naramdaman na dinidiktahan niya ako o pinipilit na magpasya para paboran ang alok ni B.

“Pasensiya na, Sir, hindi po ako nakikipag-usap o nakiki­pagharapan sa mga taong binabatikos ko. Kung gusto po niya ay magpadala na lang sila ng statement para sagutin ang ating istorya. Wala po akong record na nakikipag-areglo sa mga bina­banatan ko. Wala rin po akong balak na maging kaibigan sila,” sabi ko kay Sir Jerry.

Laking gulat ko matapos niyang marinig ang aking sagot ay nagliwanag ang ekspresyon ng kanyang mukha at sabay sabi, “Kung ‘yan ang gusto mo, okey ako. Sasabihin ko na tumanggi ka at ayaw ko rin. Loko talaga mga ‘yan, yumaman sa kalokohan.”

Nagpatuloy ang paglathala ng serye sa Hataw at nagkaroon ng magandang resulta ito.

Ang mahigit sampung taong panawagan ng mga manggagawa ng naturang GOCC para maibigay ang kanilang unpaid benefits sa nakalipas na 12 taon ay nagkaroon ng katuparan.

Labis ang pasasalamat ng mga obrero at empleyado sa Hataw dahil bukod-tangi ang aming pahayagan ang pumansin sa kanilang mga hinaing.

Nangako rin sila na pananagutin ang mga opisyal na nagpahirap sa kanila at naglugmok sa pagkalugi sa kompanya.

Sa isyung ito ay bumilib ako nang husto kay Sir Jerry, tunay na may paninindigan at lehitimo ang pagsusulong ng prinsipyo para sa katotohanan at malayang pamamahayag.

Maraming salamat sa walang maliw na pagtindig para sa malayang pamamahayag.

Nauna ka man umuwi sa tahanan ng Maylikha, tiyak na masaya ka na ipagpapatuloy namin sa Hataw ang adbokasiyang ating isinusulong.

Pinakamataas na pagsaludo sa iyo, Sir Jerry!

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …