MAPAPANOOD pa rin sa mga sinehan ang musical bio-flick ni Manila Yorme Isko Moreno na Yorme: The Isko Domagoso Story.
This time, sa January 26 na ang playdate nito kaya hindi natuloy last December 1 sa mga sinehan.
Ayon sa producer ng movie na Saranggola Media Productions, gusto ni Yorme na mas maraming kabataang makapanood ng inspiring niyang movie. Nataon kasi sa vaccine day ang original playdate kaya gusto ni Manila Mayor na bigyang prioridad ang bakuna ng mga kabataan.
Isang heartwarming musical ang movie na idinirehe ni Joven Tan. Lahat ng kantang maririnig sa movie ay nilikha niya.
Sa totoo lang, swak na swak gawing musical play ang movie sa nagbukas na Metropolitan Theater.
I-FLEX
ni Jun Nardo