Sunday , November 17 2024

Tuluyang pagbagsak inaasahan
2 ARAW WALANG BAGONG COVID-19 PATIENT SA PGH

120321 Hataw Frontpage

MAY banta man ng bagong variant na Omicron, iniulat ngayong Biyernes ng Philippine General Hospital (PGH), wala silang bagong pasyente ng CoVid-19 sa loob ng dalawang araw.

Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH, ang pinakamalaking CoVid-19 referral facility ng bansa, mayroong 54 pasyente sa kasalukuyan, pinakakaunti sa loob ng mahigit isang taon.

Ang PGH ay naglaan ng 350 beds para sa CoVid-19 patients nitong nakaraang sumirit ang bilang ng impeksiyon.

“One good news is I was told [that] for the last two days, we have not admitted anybody for COVID. Our numbers are continuously going down,” ani Del Rosario sa programang Headstart  ng ABS-CBN News Channel.

“Double digit numbers are really rated occurrence in PGH but now we are really going to the 50s, and who knows maybe in the next few days or weeks, we will be down to 20s. That is good news because we can now open more, open our hospital to non-COVID patients,” dagdag ng tagapagsalita ng PGH.

        Aniya, dati ay mayroong apat na ward ang PGH para sa CoVid-19 patients. Sa kasalukuyan ay isinara nila ang tatlong ward para ilaan ito sa non-CoVid patients.

        “Now we have trimmed it down. We were able to close the three COVID wards and open it to non-COVID patients. That’s really a big boost,” ani Del Rosario.

“We are catering to our usual patients, those with heart problems, kidney problems, pulmonary problems, a big chunk of those with cancer, a lot of kids who now can come in again to get admitted. We are getting the regular patients that we usually get before the COVID pandemic,” pahayag ng opisyal ng ospital.

Ipinagpalagay ni Del Rosario ang pagbaba ng bilang ng mga napapasok sa ospital dahil sa CoVid-19 sa mataas na tantos ng pagbabakuna sa Metro Manila.

Nitong nakaraang Nobyembre, iniulat ng pamahalaan na 94 porsiyento ng target na populasyon sa National Capitol Region (NCR) ay bakunado na laban sa CoVid-19.

Base sa CoVid-19 tracker ng Department of Health (DOH), ang Metro Manila sa kasalukuyan ay may 3,434 aktibong kaso at 15,188 sa buong bansa.

Nitong Huwebes, 2 Disyembre, inihayag ng DOH na mayroong 564 bagong kaso, kabilang ang 104 sa Metro Manila.

About hataw tabloid

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …